Napailing na lang ako dahil sa inaasal ng aking asawa. Hanggang sa paandarin ko na ang sasakyan. Pero panay naman ang tingin ko kay Leo. At nakikita ko roon na hindi pa rin maalis-alis ang dilim ng pagmumukha nito. Hanggang sa makarating kami sa bahay nito ay wala pa ring salita ang lalaki. Kaya naman 'di na ako nakatiis pa na hindi umimik. "Huwag ka ngang sumimangot. Para ka tuloy abnoy!" walang prenong sabi ko sa lalaki. Maliksi naman siyang tumingin sa akin. Balak na sana nitong lumabas ng sasakyan. Ngunit biglang itong napahinto sabay tingin sa akin na madiim ang mukha. "What did you say?!" he asked me angrily. "Stks! Minsan pala bingi ka rin pala, ano?" tanong kong natatawa. Nakita kong lalapit siya sa akin. Kaya naman mabilis kong binuksan ang pinto sa aking tabi at pagkatapos a

