Walang nagsalita sa mga tinuran ko. Bagkus ay nakatingin pa rin sila sa akin. Ramdam kong 'di sila makapaniwala sa mga pinagsasabi ko. Kaya naman malakas kong pinukpok ang ibabaw ng table. Para matauhan sila sa pagkatulala. "Bakit bigla kayong natahimik? Saka huwag kayong mag-alala. Dahil hindi naman ako magagalit kung sino ang ibubuto ninyo. I am a kind person. So I will respect what it wants. Basta ba ikakatuwa ko ang lahat nang sasabihin ninyo," saad ko sabay ngiti ng matamis sa mga taong kaharap ko. Pero kinuha ko ang baril sa ibabaw ng table at pinaglaruan ko iyon sa aking mga palad. "Paumanhin Lady Boss. Pero ang isang vote ko at mapupunta kay Mrs. Galven." Bigla akong napangisi sa taong bumuto sa akin. "Ako rin Mrs. Galven, sa iyo mapupunta ang aking boto," biglang sabi naman ng

