Nagising ako kinabukasan na sobrang tahimik ng buong paligid. Tanging huni ng ibon lang ang aking naririnig sa labas ng bahay. Tumingin din ako sa kama na kung saan ako nakahiga. Wala na sa aking tabi si Leo. Na saan kaya ito? Marahan akong bumangon. Parang hinang-hina ang buong katawan ko. Jusko naman! Hindi ba naman ako halos patulugin ni Leo. May na lalaman pa itong 1/4. Puro na lang 1/4. Wala namang sinasabi na isang kilo. Iyon ang hinihintay. Kaso wala, eh. Laging 1/4 na lang! Nakakaloka ang lalaking iyon. Sobrang halay nito. Maingat akong bumaba sa kama. Pakiramdam ko'y nanginginig ang aking buong katawan. Pero pinilit kong bumangon. Saka parang kumalam din ang aking tiyan. Nagwawala na yata ang mga alaga ko. Kaya naman marahan akong naglakad papalabas ng silid. Hinanap ng mga mat

