Tahimik sila sa kanilang hapunan, tila pareho silang nagpapakiramdaman. Pero naglalagay parin ito ng pagkain sa pinggan niya. Minsan naman ay susuboan pa siya nito. Nang matapos silang kumain ay akmang mag liligpit na siya ng kanilang kinainan. "Ako na, just do your rituals." Sabi nito na seryuso ang tinig, tila nahawaan ng pagsusungit niya ang lalaki. Pero dahil ako ang babae ako lang ang may karapatan na magsungit sa kanilang dalawa. Bahala ito sa buhay nito. "K!" Sagot niya lang. Bahagya pa siyang lumingon at tumingin sa lalaki na abala na sa paghuhugas ng pinggan. Good thing na malinis naman siya sa bahay kaya di nakakahiya kung pasulpot sulpot man ito. "Bakit kaya siya biglang nagbago ng mood?" Di niya napigilang itanong sa sarili niya. Kanina lang kasi ang saya nito na tila namiss

