Catherine Naglalakad na kami pauwi ni Dale dahil may pupuntahan pa raw ang mga magulang ko pati na sina Tita. Sinabi kong ayos lang na mag-isa akong umuwi pero pinilit parin nila Tita na ihatid ako ni Dale. Sa totoo lang mas gusto ko talagang umuwi mag-isa dahil naiilang ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Dale dahil hanggang ngayon ay bumibilis parin ang t***k ng puso ko. Hindi naman ako masyadong tanga na hindi ko alam kung sino ang tinutukoy ni Dale. Sa lalim pa lang ng titig niya sa akin, alam kong ako. Huminga ako ng malalim dahil lalong tumatahip-tahip ang puso ko. Pero hindi ko mapigilan ang sarili kong sumulyap sa kanya. Ibinalik ko rin ang tingin ko sa harap dahil bumaling rin siya sa akin. Ano ba naman ito, parang bumabalik ako sa pagiging teenager. Nararamdaman ko na n

