"Ma'am Anya pinapapunta po kayo ni Sir sa Moon Star Resort." nangunot ang noo ng dalaga ng sabihin ito ng driver nya. Ilang araw nya na din hindi nakikita si Austine. Siguro ay nag vacation leave ito kaya ilang araw ng di nagpapakita sa kanya, o baka naman ay naka sick leave. Ibang driver kasi ang sumalubong sa kanya. "Saglit magbibihis lang ako." wika ni Anya dito. Ang driver naman ay kinakabahan at pinagpapawisan. Ang totoo kasi nyan ay di si Oliver ang nagpapapunta kay Anya sa Resort kundi si Sapphire at ang kaibigan nitong si Natasha. Natakot din ang driver na di sumunod sa utos ng mga ito. Lalo na ng mag banta ang mga ito, kaya naman napilitan siya mag sinungaling sa dalaga. "Tara na po." aya ng driver. Umabot ng 45 minutes bago nakarating sila Anya. Sumunod lang naman si Anya s

