Kadarating lang ni Anya ng maabutan nya ang kanyang lolo na mukhang paalis ito.
"Lo, saan ka pupunta?"
"Naku apo, napakarami naman nyang pinamili mo. Dalawa lang naman tayong kakain."
Bumili na kasi siya ng mga de lata pati na rin ng mineral water at karne. Mabuti na nga lang ay may mga batang naglalaro kanina sa basakan ay nagpatulong siyang bitbitin ang iba nyang dala. Binigyan nya kasi ang mga ito ng isang bag na chocolate kaya naman ng inutusan nya ay sumunod agad.
"Naku lo, kasya to malakas kaya ako kumain." ngingiting sagot ni Anya.
Pinang-ayos na ni Anya ang mga pinamili nya nang makapasok sa loob ng bakuran at nilapag sa mahabang kawayan na lamesa.
"Bumili din po pala ako vitamins nyo tapos simula po ngayon itong mineral water na po ang iinumin nyo."
"Malakas pa naman ang lolo mo at nag abala ka pa talagang bumili nyan. Hindi ba mauubos ang pera mo nyan?"
"Naku di po yon importante. Ang importante po ang kalusugan nyo. Tsaka saan po pala kayo pupunta?" Napansin kasi ni Anya na naka mahabang manggas ito, naka jogging pants at may sumbrero na buri.
"Ngayon kasi ang harvest ng mga mais. Tutulong ako para makuha natin ang parte natin. Para makapakabit na tayo ng kuryente."
Gusto sana pigilan ni Anya ang kanyang lolo, lalo na ay matanda na ito. Pero mukhang nasanay na ito na ganon lagi ang ginagawa. Inabala nya na lamang ang sarili sa pag-aayos ng pinamili.
Tinignan nya ang kaldero na pinaglutuan ng kanin at may bawas ito. Nagtaka pa siya kong ano ang inulam ng matanda at nakita nyang may talong na pinirito ito. Balak nya nga sana ay isda na lang ang bibilhin dahil napakarami namang gulay sa paligid nila para panghalo dito. Pero na isip nya kasi ang kanyang lolo na bihira lang kong makakain ng karne kaya naman karne na lang ang napili nyang bilhin.
Matapos nyang makapagluto ay napag desisyunan nyang dalhan ng tanghalian ang kanyang lolo. Alam nya rin naman kong saan ang maisan na sinasabi nito. Nakikita nya kasi mula sa bintana ng kanilang sala ang maisan sa unahan.
Nang makarating doon ay nakita nya agad ang mga taong nagtitipon sa may punong malaki. Ang iba ay nagbibilang ng mga mais at ang iba naman ay nagpapahinga.
Habang papalapit siya ay di maiwasan ng mga ito mapa tingin sa kanya. Ngumiti siya sa mga ito at hinanap ang kanyang lolo. Pero hindi nya nakita ito, inilibot nya ang buong paligid ng tingin pero hindi nya talaga makita ang kanyang lolo.
"Nakita nyo po ba si lolo Ronaldo?"
"Ay hija pumunta siya doon sa maliit na lawa at mamimingwit daw ng isda."
Pumunta siya sa sinabi kong saan banda ang lawa. Maliit lang nga yon parang tubig ulan lang na naipon. Nangunot lang ang noo nya ng may iba itong kasama habang namimingwit. Nagtatawanan pa ang mga ito.
"Lolo dinalhan ko kayo ng tanghalian." sabay na napalingon sa kanya ang dalawa.
Halos di siya makagalaw ng makita kong sino ang lalakeng kasama ng kanyang lolo. Siya lang naman yong ash gray na mga mata.
"Naku apo, nag abala ka pa talagang magdala nito." Napansin naman ng matanda na nagkatinginan si Anya at si Oliver.
"Apo siya nga pala si-?"
"Christian," pinutol ng binata ang sasabihin ni Ronaldo marahan lang tumango si Anya at 'di ito pinansin.
Pero naguguluhan siya lalo na ay parang nagkita na talaga sila nito hindi nya lang matandaan kong saan at kailan. Umalis din naman agad ang binata ng may tumawag mula sa selpon nito.
"Lolo ang ganda-ganda po dito."
Kumakain kasi sila habang nasa maliit na lawa at naghihintay na may mahuli ang kanyang lolo.
"Maganda nga pero mahirap ang buhay."
"Mas mahirap po ang buhay sa syudad." mahinang sabi ni Anya.
Sa lahat ng napagdaanan nya sa buhay ay mas pipiliin nya pa ding mamuhay sa ganitong buhay kaysa sa kinalakihan nya.
"May nangyare bang hindi maganda sa iyo doon?" marahan naman umiling si Anya.
Ayaw nyang mag-aalala sa kanya ang matanda. Tsaka hindi naman siya ang totoong Anya, malay nya ba sa naging buhay ng totoong Anya sa syudad. Siguro maganda dahil ni minsan di na nito na isipan pang dalawin ang kanyang ama at lolo.
"Wala po kumain na lang tayo."
Pagkatapos nilang kumain ay bumalik na sila kong saan nag-aani ng mais.
May mga halos kasing edad ni Anya na naroon pero halata sa mga mukha nila ang inggit kay Anya. Naiinggit sila rito dahil sa magandang kutis nito at di man lang naranasan ang maging katulad nila.
Isang basket ang nakuha ng matanda ng maghatian ang mga ito.
"Lo, saan po ibebenta ang mga ito?"
"Depende kong kukunin ito ni sir Oliver o hindi."
Tinulungan nya rin ito sa pagbubuhat.
"Lolo saan po yong talon na sinasabi nyo?" balak nya kasing doon maligo lalo na sobrang init paniguradong malamig ang tubig don.
Hindi nya pa naranasan ang maligo sa falls kaya naman ng sinabi sa kanya ng matanda na may talon ay gusto nya itong puntahan.
"Pagkatapos ng bahay ng Carter sa unahan nun. Mabilis mo lang yon makikita kapag sinundan mo ang batis sa tabi ng daan."
Nang makarating sila sa bahay ay agad nag paalam ang dalaga na pumunta ng falls. Natutuwa kasi siyang ma experience ang mga bagay na di nya na experience dati pa.
Masaya siyang naglalakad sa kahabaan ng daan at naririnig nya na nga ang ingay ng tubig na bumabagsak sa 'di kalayuan. Sa sobrang saya ay minadali nya ng maglakad para lang makarating.
Maraming mga batong malalaki ang sumalubong sa kanya sa b****a ng talon. Kitang-kita nya rin ang tubig na bumabagsak sa di kalayuan. Tuwang tuwa siya ng malaman na walang ibang tao.
"Wala naman sigurong linta o alimatok dito, ano?"
Pumatong siya sa malaking batong nandon at unti-unti na siyang nababasa sa talsik ng tubig mula sa talon. Hinubad nya ang damit at ang natira ay ang manipis na mahabang damit na tumatabon sa katawan nya. Lumusong siya sa napakalamig na tubig nang mabasa ang damit ay kitang-kita ang kurba ng katawan ni Anya at bakat na kulay na suot nitong panloob.
Ninamnam nya ang napakalamig na tubig at lumangoy. Nang umahon naman siya sa tubig ay na bigla siya ng makita si Oliver. Kanina pa naroon ang binata pero hindi siya na pansin ni Anya dahil natatabunan ito ng batong malaki.
"Bastos! Anong ginagawa mo dito?" Agad inilubog ni Anya ang katawan sa tubig dahil nahihiya siyang makita ang katawan nya.
Sanay naman na siya magsuot ng sexy dress dati pa pero hindi nya alam sa sarili nya ngayon kong bakit nahiya siya ng makita ang lalake. Napalunok pa siya lalo ng umahon ito at bumungad sa kanya ang six packs abs nito.
'Hindi parang eight yong abs nya.' ani ni Anya sa isipan. Agad nyang na sampal ang sarili sa iniisip nya.
Never pa siyang naakit ng lalake pero bakit sa isang 'to hindi nya maiwasan.
Hindi nya rin na iwasan nang mag salubong ang tingin nilang dalawa ng binata. Parang nanghihina siya ng makita ash gray na mga mata nito. Napaka gandang tignan nito lalo na sa liwanag na sikat ng araw.
Nakagat nya ang ibabang labi ng mag punas ito ng katawan sa mismong harap nya.
'The heck inaakit ba ako ng lalaki na 'to?'
"Anong ginagawa mo?" hindi mapigilang tanong ni Anya.
"Nagpupunas obviously." sagot nito.
Nag-iwas ng tingin si Anya at inabala na lang ang sarili sa pagligo. Nagdala din siya ng shampoo para talaga dito na sa mismong falls siya maliligo. Magbabanlaw na lang siya saglit pag nakauwi.
Hindi nya na ring magawang lumingon sa likod lalo na ay alam nyang nandoon ang binata.