Chapter I

1597 Words
FIFTEEN YEARS LATER... Nakatitig sa bughaw na langit si Jinbong na kalalabas lamang sa airport ng NAIA kasama ang mga magulang nito. May hawak silang tatlo na tig-iisang maleta. "Taxi!?" napalingon si Jinbong sa nagsalita. Nasa harapan nito ang isang lalaki na naka uniporme. Isang taxi driver. Napalingon si Jinbong sa mga magulang na waring tinatanong ang mga ito kung sasakay na ba sila. Bago pa man makasagot ang ina ni Jinbong na si Gloria ay may narinig na silang boses na tumawag sa kanila. "Gloria!" Umaliwalas naman ang mukha nila nang makita kung sino iyon. Si Cindy, ang nakatatanda at nag-iisang kapatid ni Gloria. "Ate, hindi mo nabanggit na pupunta ka rit—" "You're not answering your phone, Glors," kunwa'y ismid ni Cindy. "Oh!" napapikit ang ginang nang mapagtantong naka silent pala ang cellphone nito. "Anyway, mabuti pa tayo na. Naghihintay si Dindo sa sasakyan," pagnguso ni Cindy sa 'di-kalayuan kung nasaan ang sasakyan nilang tinutukoy nito. Nang makasakay na silang lahat ay mabilis namang binati ni Jinbong ang asawa ng Tita Cindy niya. Minsan niya lang itong nakita, noong dumalaw ang mga ito sa kanila sa Pampanga. And that's fifteen years ago. "Itutuloy mo pa rin ba ang plano mo, Glors?" baling ni Cindy sa backseat kung saan nakaupo ang tatlo. "Oo, Ate. Ayaw na sana naming bumalik pa ng Pampanga. May plano na rin kami sa mapagbebentahan ng bahay," mabilis na sagot ni Gloria at saka ipinatong ang kamay sa kamay ng kaniyang asawa na tahimik lang mula pa kanina. Alam ni Cindy at nakuwento na rin sa kaniya ni Gloria bago pa sila bumalik doon na masyado nga raw nalungkot ang ama ni Jinbong sa nangyari sa kanila sa America. "We can help you start a business here," bigla namang pagsingit ni Dindo habang nakatutok ito sa pagmamaneho. "No, it's okay, Kuya Dindo. We want to make it on our own. Malaking tulong na iyong tumira kami pansamantala sa inyo," mabilis namang pagtanggi ni Gloria. "I already called to Manang Elay. I told her na magpaskil na ng house for sale sa labas ng bahay natin," sa wakas ay nagsalita rin ang ama ni Jinbong, si Henry Castro. Marahang buntonghininga naman ang narinig kay Jinbong. Alam ng mga magulang ni Jinbong kung ano ang nararamdaman nito. Sila man ay labis din ang pagkalumong nararamdaman. Pinasok kasi nila ang hotel business kung saan nagpatayo sila ng isang five-star hotel sa America. Isa ito sa sumabay sa mga sikat na five-star hotel doon dahil sa restaurant na nasa loob ng hotel na iyon. Ang restaurant kasi roon ay nasa pangangalaga ni Jinbong. One of his passions, cooking. Pero hindi natapos ni Jinbong ang kursong culinary arts because of what happened. Binalak din ng mga magulang ni Jinbong na magkaroon ng branch sa Pilipinas ang five-star hotel na ipinatayo nila. Si Jinbong ang kadalasang nagluluto ng mga putahe noon sa business nila sa America at naituro na rin niya sa mga trabahador kung paano ang timpla ng mga niluluto niya. Bukod kasi sa passion niya na ang pagluluto, may isang tao siyang inspirasyon at madalas na nasa kaniyang isipan sa tuwing inihahanda ang mga kakailanganin niya sa pagluluto. But everything went wrong when his parents got fooled by someone. Nakipagsosyo kasi ang mga magulang niya at sa kasamaang palad, walang kamalay-malay ang mga ito na unti-unti na palang naitatakbo ang pera nila. Sa madaling sabi, ninakawan sila ng malaking halaga kasabay ng pagkakalugi ng hotel na kanilang ipinatayo. Tahimik na tumanaw sa labas ng sasakyan si Jinbong habang patuloy sa pag-uusap ang Tita Cindy at mama niya. Hindi lamang ang nangyari sa America ang ipinagluluksa niya. May plano na kasi sana siya para sa babaeng nais niyang balikan doon sa kanilang probinsiya. Nagpaka busy at nagpaka hasa siya sa America upang may maipagmalaki sa sandaling magkita silang muli. Subalit lahat ng iyon ay nawala at isang malaking suntok sa buwan kung maibabalik pa iyon sa kanila. "We're here," sambit ni Dindo na pumukaw ng atensiyon ni Jinbong. Malaki pa rin talaga ang pasasalamat ni Jinbong na kahit papano ay nandoon ang kapatid ng mama niya para tulungan sila. ********** Palabas na sana si Jinbong sa malaking bahay ng Tita Cindy niya nang tawagin siya ng kaniyang ina. "Anak, hindi ka man lang ba muna kakain? Siguradong aabutin ka ng maghapon sa labas at baka gutumin ka," ani Gloria. "Hindi na po, 'ma para maaga akong makapaghanap ng trabaho," simpleng sagot ni Jinbong at hindi na hinintay pa ang sagot ng kaniyang mama. Magtatatlong araw na kasi siyang naghahanap ng trabaho at wala pa rin siyang nakukuha. Lahat ng puntahan niya ay pawang walang bakante at ang iba naman ay sinasabing tatawagan na lamang siya kapag nagkaroon na ng bakante. Aminado rin naman siya na mahihirapan siyang makapaghanap kaagad lalo na at undergraduate siya. Tatalikod na sana siya para umalis nang marinig niya ang tinig ng Tito Dindo niya na paalis na rin nang umaagang iyon. "Jinbong, sumabay ka na sa akin," ang sabi ng Tito Dindo niya na papunta na rin sa trabaho nito. Isa itong engineer at nagtatrabaho sa isang construction firm. Ginugol nga ni Jinbong ang maghapon niya sa paghahanap ng trabaho. Marami pa siyang napuntahang kumpanya kung saan nakapagpasa na rin siya ng kaniyang resume. Subalit natapos ang araw na iyon na panay tatawagan na lamang umano siya ang sinasabi sa kaniya dahil sa walang bakante. Ilang araw pang sumubok si Jinbong subalit nananatili siyang bigo. Pakiramdam niya ay sa isang simpleng trabaho siya nababagay dahil hindi siya natatanggap sa malalaking kumpanya. Dumating din siya sa puntong muntik ng pumasok sa isang gay bar kung hindi lang siya nakapag isip nang mabuti. Hanggang isang araw ay may mamataan siyang isang for sale na junkshop. Mabilis ang mga hakbang na tinungo niya iyon. Pumasok kaagad sa isipan niya na puwede nila iyong bilhin habang may natitira pa sa napagbentahan ng bahay nila sa Pampanga. *********** Kinagabihan habang nasa hapagkainan ay sinabi ni Jinbong sa mga magulang ang tungkol sa junkshop na nakita. "It's a good business, 'ma, 'pa. Puwede rin nating pasadyaan ng kuwarto tutal ay tayo rin naman ang magmamanage at palagi tayong nandoon," ani Jinbong. "Hmm... malaki ang pera sa junkshop. Tingin ko ay okay ang business na iyan," pagsegunda naman ni Dindo sa kabila ng pagnguya. "Yeah, I know. Malaki nga ang pera sa junkshop. Pero para mas mapalago iyan, kailangan din natin ng sapat na kapital para matustusan ang junkshop," sagot naman ni Henry. "But maybe, we can take a risk?" paglingon ni Gloria sa asawa. "Malaki na ang nabawas sa napagbentahan ng bahay natin sa Pampanga dahil ipinambayad sa mga nautang natin before," dagdag pa nito. "That's good. At least may magiging panimula kayo kahit papano," saad naman ni Cindy. Sa huli nga ay napagpasyahan na bilhin ng pamilya ni Jinbong ang junkshop na nasabi. Umaasa si Jinbong na magiging maganda ang panimula nila roon. ******* Magdadalawang araw pa lamang si Jinbong sa pag-aasikaso sa junkshop at aminado siyang mahirap din lalo na nga at kailangan niya ng pera para maipambili ng mga materyales upang mapalago pa ang junkshop. Masasabi niyang hindi ganoon kabilis ang akyat ng pera at matagal pa bago mabawi ang ipinambili roon. Ngunit ayaw niyang ipakita sa mga magulang ang pangamba dahil umaasa talaga siyang magiging okay iyon. Hanggang isang araw ay may isang lalaki ang lumapit sa kaniya. Nagpakilala ito sa kaniya bilang si Dix at sinabing may iaalok sa kaniyang trabaho. Wala sa sariling nakipagkamay si Jinbong kay Dix. At natagpuan na lamang ni Jinbong ang sarili na nakikipag-usap nang masinsinan dito. Nalaman niyang isa umano itong agent at nais siyang bigyan ng trabaho dahil pasok umano ang physical appearances niya sa hinahanap ng agency nila. Ilang oras pa matapos ang pag-uusap nila ay sumama siya kay Dix sa isang agency. Nabasa ni Jinbong mula sa labas ng agency ang RnJ Services. Nang makapasok siya sa loob kasama si Dix ay sobrang gaan ng pakiramdam niya. Malamig at super relaxing ang itsura sa loob. "Maupo ka muna," untag ni Dix. Kaagad namang naupo si Jinbong sa kulay grey na sofa roon. Napakalambot ng sofa at pakiramdam niya ay ang tagal niya ng hindi nakakaupo sa ganoon. Mataas ang kisame ng agency at sobrang luwang sa loob. Bukod sa set ng sofa ay may mga mamahaling palamuti rin siyang nakikita. Napakaayos at napakagandang tingnan ang loob ng agency na nagbibigay ng masarap na pakiramdam kay Jinbong idagdag pa ang lamig na nanggagaling sa aircon. Ngunit nang ilatag na ni Dix sa kaniya ang tungkol sa trabaho ay sunod-sunod siyang napailing. Husband for hire. Parang hindi niya yata kaya ang magpanggap na asawa lalo na at ni hindi niya pa nga naranasang magkaroon ng kasintahan. "Sandali lang," pagpigil ni Dix nang magpaalam na si Jinbong. Malinaw nitong sinabi na ayaw niya sa trabahong iyon. May kausap si Dix sa cellphone at ilang sandali pa ay pinatay niya na ito. "If you don't mind, may gusto munang kumausap sana sa 'yo," ani Dix. "Who?" Natagpuan ni Jinbong ang sarili kaharap ang isang lalaki na sa tingin niya ay siyang may-ari ng RnJ. "I'm Ricardo Milosa. I'm here to talk about business, if you don't mind," nakangiting anito habang prenteng nakaupo sa swivel chair nito. "Business?" napakunot-noo si Jinbong. "I'll make it quick. Be my husband for hire for just two years, I'll fund your business. Your junkshop," saad na kaagad ni Ricardo. Hindi alam ni Jinbong kung sadyang iyon na nga ba talaga ang trabahong kailangan niya. Masyadong nakakaakit ang offer lalo na at kailangang-kailangan niya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD