Kabanata 7: At Mansion

1038 Words
Tanya's POV Pumasok ang magarang sasakyan ni Sir Luke sa malawak na bakuran sa sinabi nitong bahay. Bahay? bahay ba ang tawag niya dito na subrang laki na may tatlong palapag at malawak na bakuran. Ganito ang nakikita niya sa mga palabas sa TV mga mansiyon ng bilyonaryo. " Here we are." anito sa baritonong boses. " Stay here." wika ulit nito. Mabilis naman niyang tinanggal ang seatbelt na nakasabit sa katawan niya. Nakita niya ito umikot sa harapan ng sasakyan papunta sa kinaroonan niya. Nagsimula na naman tumibok ng mabilis ang puso niya, lalo ng maalala pa niya ang nakaw na halik nito kanina. Bumukas ang pintuan ng sasakyan. Yumukod ang binata sa kanya. "Are you okay?" tanong pa nito. Nakita niya siguro na medyo balisa siya. Tumango lang siya at bumaba na ng sasakyan. Napasinghap pa siya ng mabilis na hinawakan nito ang kamay niya. Mabilis itong naglakad papasok sa loob kaya nagpatianod nalang siya dito. May matandang babae agad na sumalubong sa kanila. " Magandang hapon senyorito." wika nito. Tumingin ito sa kanya kaya ngitian niya ito at yumukod siya tanda ng pag-galang. " Manang Tasya, pakihatid nalang si Ms.Medrado sa kuwarto ni Mang Lito. She is a daughter of Lito by the way." agad na wika ni Sir Luke. " Masusunod senyorito. Ikaw pala ang kinuwento ni Lito sa amin na may anak siyang babae na maganda.Napakaganda mo nga ineng." na amuse nitong wika. Hindi na mawala ang ngiti nito sa labi. Tatay Lito ko talaga siyang tunay. Pinalandakan ba naman niya ako ng may maganda siyang anak. " Magandang hapon po Manang Tasya.Hindi naman po." nahihiya niyang sabi. Alam niyang sa oras na ito namumula na ang magkabilaang pisngi niya. Naramdaman niya ang init sa kanyang mukha. Paano ba naman kasi nandito parin si Sir Luke sa gilid niya. Bakit hindi pa ito dumiretso sa silid nito at iwan na siya kay Manang Tasya. " Ahm, I'm going to change my clothes. I'm going upstair." wika nito. Nahulaan yata nito ang gusto niyang mangyari.Tumalikod na ito para iwan na sila ni Manang Tasya.Bago paman ito nakahakbang sa hagdanan may pahabol pa ito kay Manang Tasya. " By the way manang, please include Tanya for the dinner. Ask her what she going to eat for you to cook." habilin nito na mabilis ng humakbang sa hagdanan. " Naku po huwag na kayo mag-abala pa manang, hindi rin po ako magtatagal. Dadalawin ko lang saglit si tatay." agad kong wika. Masyado ng nakaabala kung pati hapunan dito pa siya makikain hindi naman siya espeyal na bisita ng kanilang sir Luke. "Magagalit ang senyorito ineng kung hindi siya sinusunod. Pagabi naman na kaya tamang-tama bago ka umuwi may laman na ang inyong tiyan." wika nito, na hinatid na siya patungo sa kinaroonan ng tatay niya. Dinala ako ni Manang Tasya sa head quarters ng mga tauhan dito sa mansiyon sa male's quarter kung saan nandito rin ang tatay niya. Nagulat pa siya na may tig-isang kuwarto ang bawat tauhan dito. Para akong maiiyak ng tuluyan ko makita ang tatay ko. Nakahiga siya sa kama na sakto lang sa dalawang tao. Nakangiti na ito sa akin, expected na talaga nito ang pagdating ko sa mansiyon nila sir Luke. Maaliwalas naman ang kuwarto nito, di-hamak mas maganda at malaki pa nga ito kumpara sa kuwarto namin sa probinsya. May dalawang bintilador, may built-in cabinet pa ito at may maliit na TV na nakapatong sa maliit na lamesa. Sadyang naawa lang siya sa sitwasyon nito. May sakit ang itay niya hindi man lang niya ito naalagaan. Malakas siyang napabuntong-hininga. " Tay, mano po." lumapit na siya dito at naupo sa gilid ng kama. Dahan-dahan naman itong bumangon, sumandal sa headboard ng kama. " Nandito na pala ang pinakamaganda kong anak." woka nito na nakangiti na. " Tay naman eh, nag-iisa mo lang naman akong anak. Kaya siyempre ako kang talaga dapat ang maganda sa paningin mo." nakanguso kong wika. Niyakap ko siya ng mahigpit. " Sabi ko naman sayo 'tay, mag-resign kana sa trabaho mo. Ako na ang bahala sa ating dalawa,kaya naman kitang buhayin na." dagdag ko pa dito. " Aba eh, kasisimula mo palang sa trabaho. Wala ka pa ngang sahod.Gusto mo ng pahintuin ako sa trabaho." natawawang wika nito na ginugulo ang kanyang buhok. Napakagat-labi siya sa sinabi nito, totoo naman ang sinabi ng tatay niya kasisimula palang niya sa trbaho. " Huwag mo ako masyadong alalahanin Tanya anak. Kunting trangkaso lang ito. Malakas pa ang tatay mo sa kalabaw. Masaya pa akong pagsilbihan ang pamilyang Sebastian." mahabang wika nito. " Ahmm, magtatampo na ba ako sayo 'tay. Parang ayaw mo ng iwan si Sir Luke niyan eh. Masyado mo naman mahal ang boss mo." nakalabi niyang sabi. Ngumiti ito sa kanya. " Mabuti tao ang pamilyang Sebastian, anak. Hindi nila tinuri na ibang tao lahat na mga tauhan nila dito sa mansiyon." dagdag pa ng tatay niya. Sasagot pa sana siya ng may tumikhim sa pintuan ng kuwarto. Sabay kaming lumingon sa pintuan. Laking- gulat ko nalang mapag-sino ang taong prenteng nakatayo at diretso ang tingin sa kinaroonan nila. " Kumusta kana mang Lito?" tanong nito, ang dalawang kamay nito nakalagay sa dalawang bulsa sa suot nitong jogging pants. Hindi niya maiwasan na mapasadahan niya ang harapan nito. Ang laki naman 'ata ang bukol 'nun. s**t, Tanya magtigil ka nasa gilid mo lang ang tatay mo. " Medyo okay na ako Sir Luke. Mapabilis na ang paggaling ko nito lalo na dinalaw ako nitong magandang dilag ko." wika ng tatay ko. Na ika-gulat ko pa bakit may pa magandang dilag pa siya puwede naman sabihin lang niya na dinalaw ko siya. Tatay ko talaga. Lihim ko siyang siniko para tumigil na.Nakita ko naman si Sir Luke na pangiti-ngiti lang habang hindi parin ito umaalis. " The dinner is ready." wika nito, na sa kanya na ang tingin. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ng magtama pa ang paningin nila. Tumingin siya sa tatay niya para yayain din niya ito. Tumango lang ito. " Mauna ka ng kumain anak, uuwi ka pa." wika nito. " Kukuha nalang ako ng pagkain natin 'tay.Puwede naman dito kakain yata." mahina niyang boses. Sinadya niyang hindi iparinig kay Sir Luke.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD