Tanya's POV Nagpresinta na din akong tumulong sa pagliligpit ng mga pinagkainan namin ngunit hindi pumayag si manang Tasya kaya na daw ito ng dalawang kasambahay. Nakilala ko ang dalawa sina Tess at Joyce tama nga ang hula ko hindi magkalayo ang mga edad namin. Twenty-four si Tess at twenty-five naman si Joyce.Samantalang magka-edad naman si manang Tasya at tatay ko pareho silang nasa sixty na. Sumunod ako sa kanila sa kusina. Habang may kanya-kanya silang ginagawa,nakipag-kwentuhan naman ako saglit sa kanila. Kung may pagkakataon ako ulit na makabalik dito sa mansiyon iyon ay agad ko silang hanapin. Masarap silang kausap na miss ko tuloy si Mich ang bestie ko sa katauhan ni Joyce. Pinuntahan ko na si tatay bitbit ang mainit na sabaw ng sinigang na luto pa ni mang Tasya at kunting kani

