“Find Ilaria no matter what!” Sigaw ko sa mga kawal. Nagsialisan naman sila at nagsimula na sa paghahanap kay Ilaria. Napahawak ako sa aking noo at nanghina. Naramdaman ko ang paglapit ni Seven sa akin at inalalayan ako na makaupo. “Sana sinamahan ko nalang siya kanina. Kung sana sinamahan ko nalang si Ilaria papuntang bayan ay hindi mangyayari ito.” Naiiyak kong sabi habang nakayuko. “It’s not your fault, Aislinn. Mahahanap din natin si Ilaria.” rinig kong sabi ni Seven. “Tutulong ako sa paghahanap kay Ilaria.” Napatingin ako kay Dom nang magsalita ito. “Dom.” “Hindi ko kayang manatili dito habang hindi pa nahahanap si Ilaria. Sana bigyan niyo ang ng permiso na tumulong sa paghahanap.” Seryosong sabi ni Dom. Alam kong may koneksyon silang dalawa ni Ilaria

