Episode 12 - The Magic of the Golden Stone

1189 Words

“Aislinn…Aislinn…”   Napadilat ako nang marinig ko ang isang boses ng babae na tinatawag ang aking pangalan.   Napakurap ako nang makitang nasa isang lugar ako na puro bulaklak ang paligid.   “Aislinn.”   Mabilis akng napatingin sa aking likuran ng marinig ko ulit ang kanyang boses.   Nanlaki ang mga mata ko ng makakita ako ng napakagandang babae. Nakasuot siya ngayon ng puting dress at may suot siyang flower crown sa kanyang kulot na buhok.   Ngumiti siya sa akin at hinay-hinay na lumapit.   “Sino ka?”   Mas lalo siyang lumapit at hinawakan ang aking pisngi.   “Anak…”   Nanlaki ang mga mata ko nang tawagin niya ako nun.   “A-Anak?”   Tumango siya siya niyakap ako. Napatulala ako habang hindi parin makapaniwala sa pangyayari.   Siya ba talaga ang totoo kong ina?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD