Maaga akong nagising ngayong umaga. Hindi ko din mapigilang mapangiti nang makta ko si Callum sa aking tabi habang nakayakap sa akin at mahimbing na natutulog. Ilang minuto ko muna siya tinitigan bago ako bumangon at naligo. Nang matapos na ako mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako sa kwarto at hinayaan ko muna na matulog si Callum. Nang makababa ako ay nakita ko kaagad ang kambal na nag lilinis ng mga bintana. Napasulyap naman sa akin si Gaius kaya napatigil siya sa kanyang ginagawa at tinawag si Amelia. “Magandang Umaga, Ate Aislinn!” masayang sagot ni Amelia at lumapit sa akin para ako’y yakapin. Lumapit din sa akin si Gaius at niyakap siya. “Magandang umaga din sa inyo. Bakit kayo ang naglilinis? Wala bang mga maids?” tanong ko at napatingin sa paligid. Nagkatinginan

