“Aislinn, are you listening to me?” tanong ni Callum at hinawakan ang aking balikat. Napakurap ako at hindi makapag-isip ng matino. Gusto kong tanungin si Callum ngayon sa sinabi ni Louisa sa akin kanina kung totoo ba talaga iyon, pero natatakot ako. Natatakot sa katotohanan. Nandito kami ni Callum ngayon sa aming kwarto at may sinasabi siya sa akin ngayon pero hindi ko kayang makining. “Ano ‘yung sinabi mo?” tanong ko. Hindi siya nagsalita at nakatingin lang siya sa akin ngayon. Napasuklay ako sa aking buhok gamit ang aking kamay at muling tumingin sa kanya at ngumiti. “Sorry kung hindi ako nakikinig. Napagod ako sa trabaho kanina sa bakeshop.” Sabi ko. “Huwag ka nalang kaya magtrabaho.” Sabi niya. Mabilis ako umiling. “Please don’t say that, Callum. Ay

