Umalis na si Callum. Iniwan na niya ako. Kamusta na kaya siya? Where did he go? Ano ang kailangan niyang gawin? Babalik ba siya sa Ravenia? Napatigil ako sa aking pag-iisip nang sunod-sunod ang katok sa aking pintuan ng aking kwarto. Napatayo naman ako at binuksan ito. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita kung sino ang nasa labas. “S-Seven!” Bigla kong naalala ang sinabi ni Seven sa akin kahapon. Ang training! “Omg! S-Seven, I’m so sorry! Nawala sa isipan ko na may training pala.” Sabi ko at napakagat sa aking labi. Malamig niya lang akong tinignan. Tumango naman siya at tinaasan ako ng kilay. “Follow me in the training room within 15 minutes. Kapag hindi ka pa nagpakita within 15 minutes, hindi na kita tuturoan.” Malamig niyang sabi at wal

