Episode 4 - Meet

1232 Words
“Princess Aislinn!” Sigaw ni Ilaria at tumakbo palapit sa akin. Nakita ko sa likod niya si Seven na walang emosyon sa mukha. “Lyn nalang, Ilaria. Hindi ako sanay tawaging Princess.” I said. She pouted and crossed her arms. “E, ang cute mo kayang tawaging Princess. At isa pa, ang tagal na naming walang prinsesa dito kaya gusto kitang tawaging Princess!” Nakanguso parin niyang sabi. Awkward akong ngumiti at hindi makasagot kay Ilaria. Napatingin ako kay Seven na nasa tabi na pala kay Ilaria. Tinignan niya ako at bumaling kay Ilaria para kausapin. “Sundin mo nalang ang gusto niya, Ilaria.” Sabi ni Seven na mas nagpasimangot sa mukha ni Ilaria. Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Okay! Aislinn nalang itatawag ko sa’yo.” Nakangiting sabi niya at kumapit sa akin. Mahina akong tumawa at tumango. “The king is calling for you.” Sabi ni Seven at nagsimula nang maglakad. Tumingin sa akin si Ilaria at nagsimula na kaming sumunod kay Seven. Nang makarating na kami sa throne ni King Heromus ay may nakita agad akong isang lalaki na nakatayo sa tabi niya. “That’s Dom, you’re protector also.” Bulong sa akin ni Ilaria. Nang makita ako ni Grandpa ay tumayo siya at lumapit sa akin para yakapin ako. “How was your sleep, apo?” nakangiting sabi niya. Nagdadalawang isip parin ako sa e rereact ko sa Lolo ko. Ang bata niya kasing tignan at para siyang foreign model sa mundo ng mga tao. “Okay lang po.” Nakangiti kong sabi. Tumango siya at sinabayan ako sa paglalakad hanggang sa makapunta kami sa dining area. Tahimik na nakasunod sa amin sila Ilaria sa likod. “Pagkatapos mong kumain ng breakfast, Aislinn, ay ipapasyal ka nila Seven sa bayan ng Avalon.” Nakangiting sabi ni Grandpa at naupo na. Nanlaki ang mga mata ko at sumunod na din sa pag-upo. Napatingin ako kay Ilaria at nakita ko siyang nag thumbs-up sa akin kaya nginitian ko ito. “I want you to be familiar in your new home. Alam mo naman ata na hindi ka na makakabalik sa dati mong buhay, diba?” Nawala ang ngiti sa aking mukha nang sabihin ‘yon ni Grandpa. “I want to see my Mom.” Bumuntong hininga siya at sininyasan sila Seven na umalis muna para makapag-usap kami ni Grandpa. “You will, Aislinn but not now.” “Why? Where’s my mom?! Are you lying to me when you said that she’s fine?” I shouted. He sighed. “I’m telling the truth, Aislinn. But it’s not the time to see her. Makikita mo din siya sa tamang panahon.” Umiwas ako ng tingin at huminga ng malalim. Tumayo ako at muling tumingin sa kanya. “Nawalan na pala ako ng ganang kumain. Sa bayan nalang ako kakain. Salamat.” Malamig kong sabi at umalis na. “Are you okay, Aislinn? Bakit parang wala ka sa mood?” tanong sa akin ni Ilaria na kanina pa nakatingin sa akin. Nakasakay kami ngayon sa isang kotse at si Dom ang nag da-drive ngayon papuntang bayan. Sumulyap ako kay Ilaria at nginitian siya. “I just missed my mom.” Tumango siya at ngumuso. “Sabagay. Ang lungkot nga talaga niyan. Pero ‘wag kang mag-alala! Nandito naman ako, si Seven, at si Dom!” nakangiting sabi ni Ilaria at tinignan ang dalawang lalaki na nasa front seat. Sinulyapan ako ni Dom at nginitian. Habang si Seven naman ay parang walang naririnig at nakatingin lang sa labas. Nginitian ko sila at napatingin na din sa labas. Na focus ang tingin ko sa isang forest na hindi kalayuan sa dinadaanan namin. Ang daming mga butterflies na nagliliparan at napupuno ito ng mahika. “Ilaria…” tawag ko habang nakatitig parin sa kagubatan. Lumapit siya sa akin at napatingin sa aking tinitignan. “The Forbidden forest.” Sambit niya. Napasulyap ako at napakunot sa aking noo. “Bakit forbidden?” “May sinumpa kasi ang diwata sa gubat na ‘yan. Ayon sa kwento, jan daw nag kikita ang prinsipe ng Ravenia at Prinsesa ng Avalon. Bawal kasi magkatuluyan ang dalawang lahi kaya nagalit ang diwata. Sinumpa niya ang dalawa at pati ang kagubatan na ‘yan. Maganda nga ang gubat na ‘yan pero mapanganib naman.” Pagkukwento ni Ilaria. Muli akong napatingin sa Forbidden Forest at hindi ko talaga maiwasang mamangha. “Sino nga palang prinsesa ang tinutukoy mo?” tanong ko. “Si Prinsesa Aleeya, kapatid ng pumanaw na ama ni Haring Heromus.” Sagot ni Ilaria. Natahimik ako at napatingin nalang sa labas ng kotse. Pagkarating namin sa bayan ay bumungad agad sa amin ang ingay ng mga tao. May mga nagtitinda ng mga pagkain, mga damit at iba’t ibang kagamitan. “Let’s go, princess!” sabi ni Ilaria at hinila ako papunta sa maraming tao. Nanood kami ng mga palabas dito sa bayan at kumain sa iba’t ibang tindahan dito. Namili din kami ng mga damit at mga palamuti sa katawan. Maingay kaming dalawa ni Ilaria habang namamasyal, samantalang sila Dom at Seven naman ay tahimik lang na nakasunod sa aming dalawa ni Ilaria na parang mga body guards. Nang maghapon na ay napagpasyahan na namin na bumalik sa palasyo. Hindi parin mawala sa aking utak ang Forbidden forest. Parang may humahatak sa akin na pumunta ako doon. “Matutulog ka na ba, Aislinn?” tanong ni Ilaria nang makarating kami sa harapan ng aking kwarto. Ngumiti ako sa aking kaibigan at tumango. “Yes. Napagod ako sa pamamasyal natin kanina. Pero nag enjoy talaga ako sa ginawa natin kanina.” Nakangiti kong sabi. Ngumiti siya at bahagyang tumalon. “Buti naman at nag-enjoy ka, Aislinn! Sige, magpahinga ka na. Good night!” Tumango ako sa kanya at ngumiti bago ako pumasok sa aking kwarto. Bumuntong hininga ako at pumunta sa harapan ng aking bintana. Napatingin ako sa baba kung safe bang bumaba dito. I’m not sure if I can go down but I will try my best. Nasa mataas na palapag ang aking kwarto at mataas din ang bababaan ko. Humanap ako ng paraan at ginawang lubid ang kumot ko. Hinay-hinay akong bumaba at hindi gumawa ng ingay para hindi malaman ng iba na tumatakas ako. Nang maging successful ang pagbaba ko ay dali-dali na akong umalis papunta sa gubat bago pa ako mapansin ng ibang guwardiya. Malayo-layo pa ang aking nilakad hanggang sa makarating na ako papasok sa forbidden forest. Huminga ako ng malalim bago ako pumasok. Nang makapasok ako sa loob ng gubat ay bigla akong nilamig. Niyakap ko ang aking sarili at nagsimula nang maglakad. Kahit gabi na ay makikita mo parin ang paligid dito sa kagubatan. Nakaharap kasi ang buwan dito at maraming nagliliparang mga alitaptap. Tuwang-tuwa ako habang pinagmamasdan sila. Ang ganda. Ang ganda siguro dito kapag umaga. Baka bumalik ulit ako bukas para makita kung anong itsura dito kapag umaga. “Argh…” Natigilan ako sa pagmumuni nang makarinig ako ng boses. “Argh…” Para itong nasasaktan. Boses ito ng isang lalaki at hindi ito malayo sa kinatatayuan ko kaya hinanap ko agad ito. Tahimik kong pinakinggan ang boses ng lalaki hanggang sa nakita ko itong nakaupong nakasandal sa may puno habang nakahawak sa may tyan niya na puro dugo. Nanlaki ang mga mata ko at dali-dali siyang nilapitan. “Hey! Are you okay? Bakit ka nagkaganito? Taga saan ka?” sunod-sunod kong tanong sa lalaki. Hindi ko maiwasang matigilan nang mapatingin siya sa aking mga mata. Bumilis ang pagtibok ng aking puso at hindi ko alam kung bakit ito nangyayari sa akin ngayon. Nakita ko ang ngiti sa kanyang maputlang labi habang nakatingin sa akin. “Nagkita na din tayo, aking mahal.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD