“Let’s…Let’s break up.” “W-What?” Seryoso ba siya? “Mas mabuti nang ganito ang gawin natin para—” hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sinabi nang sampalin ko ulit sa kanyang kabilang pisngi at sa isa pang kabila. Mas lalo akong lumapit sa kanya at pinagsusuntok siya sa kanyang dibdib. “Maghiwalay na tayo? Simple lang ‘yan sa iyo, ah?! Akala mo ba madali lang ‘yang sinasabi mo, Callum?!” sigaw ko habang patuloy siyang sinusuntok. Mabilis niyang nahawakan ang magkabila kong palapulsuhan. Hindi na din ako nakapalag nang maramdaman ko ang aking panghihina. Nakayuko lang ako ngayon habang patuloy ang aking pag iyak. “Mahirap, Aislinn. Akala mo ba ikaw lang ang nahihirapan sa sitwasyong ito? Hindi, Aislinn! Mas nahihirapan ako dito kasi kada araw kong pinapalakas

