*RAYNE*
"Wow!"
Iyon agad ang unang lumabas sa bibig ko ng dumaong sa pangpang ang bangkang sinasakyan namin. Kagabi pa kami nakarating dito sa Occidental Mindoro, nag check in lang kami sa isang hotel.
"You like it?" Tanong nya sa akin habang inaalalayan akong bumaba sa bangka. Maliit ang isla ngunit may mala pulburon na buhangin, walang binatbat ang buhangin ng boracay, malinaw ang kulay na naghahalong berde at asul na tubig dagat. Masarap ang simoy ng hangin at tahimik dahil mangilan-ngilan lang ang turistang kagaya namin na nerereto. May volleyball net sa harap ng mga cottage at may bahay bakasyonan sa may gilid ng harapan ng isla.
"Tange! Ang ganda dito." Inililibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng isla, hindi ko pinansin si Frank na tumatawa sa tabi ko habang dala ang mga ilang gamit namin. "Ano na ngang pangalan neto?" Lumingon ako sa kanya na dapat hindi ko ginawa, dahil sinalubong ako ng isang damping halik ng mga labi niya.
"Inasakan!" He bite his lips while smirking. ' bwesit naka isa agad.' Umirap na lamang ako at pumili ng cottage na gagamitin namin.
"Nag rent pa ako ng cottage kung gagawa ka lang din ng tent!" Inis ko syang binatukan dahil ako ang nag bayad ng cottage tapos inaayos nya ang tent sa harap ng cottage namin, nasa bandang gilid kami malapit sa mga batuhan at may munting ihawan. Malilim sa pwesto namin dahil sa mga puno ng niyog sa pagitan ng mga cottage.
"Pang i********: lang!" Masama ko syang tinignan at binato ng tsinelas na suot ko. Tumawa lang sya at hinagis pabalik ang tsinelas ko at pinagpatuloy na muli ang ginagawa nya. Inayos ko na lang ang mga pagkain at gamit na dala namin, ng matapos ako sa pag aayos- ay dumiretso ako sa comfort room at nagpalit ng two piece, kulay pula ito at may pa cross na design sa dibdib ko,ang pares na panty neto ay itinatali sa magkabilang gilid. Sinuot ko ang cover up dress na color white bago lumabas.
"Witwew, sexy! Isang awra naman dyan." Bwesit na bwesit akong tumingin sa kanya na tudo hagalpak ang tawa. I raised my middle finger in front of him na mas lalong ikinalakas ng tawa nya. "Bat ka pa nagdadamit? Huhubarin ko din naman!"
Nagpapadyak ako sa inis dahil hinihintay kong purihin nya ang suot ko, minsan lang naman ako nagsusuot ng ganito kaya excited akong purihin nya, ngunit inaasar nya lang ako.
"Ang baboy mo!" Inirapan ko sya at naglagay na lamang ng sunblock sa balat ko. Naka upo ako sa may papag ng cottage, nakataas ang isang legs na nakapatong sa papag habang ilaglagyan ko ang mga braso ko.
"Ako na!" Inagaw nya ang sunblock na hawak ko at nilagyan ang ang mga hita ko.
"Ang tigas ng legs mo!" Binatukan ko sya dahil ng iinis na naman, akmang aagawin ko ang sunblock ng ilayo nya ito sa akin at pinisil ng marahan ang pwetan ko. Nanlalaki ang mata kong lumingon sa paligid, kinakabahan dahil baka may nakakita sa ginawa nya.
"Gago ka! Manyak ka talaga." Piningot ko ang tenga nya, napalayo sya sa akin habang tumatawa.
"Fluffy!"
Lalo akong nainis at masamang tumingin sa kanya, hindi ko na lamang pinatulan dahil hindi titigil yan, tinago ko na lamang ang sunblock sa bag ko at kinuha ang sunglass at camera.
"Picturan kita dali!" Inagaw ni Frank ang camera sa kamay ko at nauna pang pumunta sa pangpang. "Dito ka, Maganda view dito!" Hinila nya ako at pwenesto sa tinuturo nya kanina.
"Ayusin mo mag picture huh! Scammer ka pa naman." Binantaan ko agad sya, mahina lang syang tumawa at tumango din.
"Responsibilidad ni Boyfriend na kuhaan ng magandang litrato ang kanyang jowa!" Tumawa ako dahil naka salute pa sya sa akin habang sinasabi yun. Nag pose na rin ako at humarap sa camera, may paluhod-luhod pa syang nalalaman, humarap ako sa gilid at hinawakan ang shades ko, kunyari stolen.
"Ganda ng kulay ng dagat.. alis ka nga muna dyan babe!" Napasimangot ako at masamang tumingin sa kanya, lumapit naman sya sa akin habang tumatawa.
"Joke lang!" Niyakap nya ako habang tumatawa pa rin. "Aayos na ako promise!" Tinutoo nya nga ang sinabi nya dahil kung hindi, mag aaway na talaga kami. Picturan ko din sya pang pose nya daw sa i********:, nagpapicture din kaming dalawa sa isang nanay na nag babantay ng mga apo nya sa pang-pang.
"Kain na muna tayo bago tayo mag swimming!" Tumango sya sa akin habang tinitignan ang mga kuhang litrato sa camera.
"Ang ganda mo dito!" Inakbayan nya ako at pinakita sa akin ang sinasabi nyang maganda raw ako doon.
"Small thing ano ka ba." Mayabang kong sabi habang hinahawi kunwari ang buhok ko.
"Kasing small mo!"
Inis ko syang binatukan dahil nag uumpisa na naman sya. Mabilis nya akong niyakap at pinipigilan ang tawa.
"Napaka pikon mo ngayon, meron ka no?" Tinaasan ko sya ng kilay at nagpatuloy muli sa paglalakad.
"Mag aaya ba akong mag swimming kung meron ako."
"Ayaw mo yun, para red tide." Mahina nyang sabi at pinipigilan ang tawa, napapikit na ako sa inis dahil hindi talaga sya tumitigil.
"Uuwi na ako!" Walang emosyon kong sabi, tinanggal ang pagkaka-akbay nya sa balikat ko at nag lakad ng mabilis sa cottage. Nagulat sya sa ginawa ko at na estatwa ng bahagya.
"Babe sorry na! Joke lang yun eh!" Malumanay nyang sabi na tila kinakabahan.
"Hindi lahat ng biro nakakatawa Frank!" Pinipigilan kong matawa para kunyari galit talaga ako.
"Bakit Frank na? Galit kana talaga? Sorry na!" Umupo sya sa harap ko ng makarating kami sa cottage. "Sorry na!" Para syang tuta na nagmamakaawa sa amo.
"Sometimes think before you speak! Words can hurt somebody, emotionally and mentally." Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil halatang kinakabahan sya, namamawis ang kamay nyang nakahawak sa kamay ko.
"Sorry na babe! Sorry na po!" Yumakap sya sa akin, hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumawa ng malakas. "Anong nakakatawa?" Takang tanong nya sa akin.
"Ikaw, nakakatawa ka! Mukha kang tuta, ang panget mo." He made a face and mocking my word.
"Okay lang! Basta maganda girlfriend ko okay na." Huminto ako sa pagtawa at tumitig sa kanya, ngumiti sya sa akin at hinila ako para yakapin.
"I'm sorry, napasobra ata ako kanina." Napangiti ako ng wala sa oras dahil sa ugaling meron sya. I'm so lucky to have a man like him, he knows how to comfort me. "Ang sexy mo sa totoo lang, kanina pa ako naiinis sa mga lalaking nakatingin sayo, kaya kanina pa ako sunod ng sunod hehe." Dumukwang sya sa akin habang nakayakap pa rin at mabilis akong hinalikan. "Kain na tayo!" Tumango ako sa kanya kaya binitawan nya muna ako. Sya na ang kumuha ng pagkain ko, inopen ko muna ang data ng phone ko para sana mag tingin ng message.
"Walang signal dito?" Nakakunot nuo kong tanong kay Frank.
"Yup! That's why I choose this island for our first tour! Walang isturbo." Napairap ako hindi dahil sa sinabi nya kundi sa uri ng tingin nya sa akin, Hinampas ko tuloy ang braso nya ng makalapit sya sa akin. Mabilis lang kaming kumain at nilagay sa loob ng tent ang gadgets namin. Tawa ako ng tawa sa mga kwento ni Frank nong unang punta nya dito kasama ang family nya. Binato daw sya ng bumangin ng kapatid nya habang nag sa- sunbathing at pinalitan ng mayonnaise ang sunblock nya, pati ang sunglass nya ay hindi nya nagamit dahil nabali ito ng kapatid nya at dinikit ulit gamit ang bubblegum.
"Saya ka? Pikon ka later!" Inirapan nya ako at kinarga papunta sa dagat napatili tuloy ako ng ipunta nya ako sa malalim na parte.
"Ang epal mo!" Sigaw ko sa kanya ng bitawan nya ako, natakot pa ako kasi akala ko malalim, nakalimutan kong matangkad pala ako at hanggang dibdib ko lang ang tubig, tudo tawa naman sa akin ang gaga.
"Chill babe! Masyado kitang mahal para gawain yun!" Napalubog ako sa tubig ng wala sa oras at doon ngumiti na parang tanga, napaahon din ako agad dahil Nakalunok ako ng tubig. Nag aalala syang lumapit sa akin ng umubo-ubo ako.
"Ang sakit!" Hawak ko dibdib ko at umupo pa ng ilang ulit.
" Okay na?" He caressed my back at nag alalang tumingin sa akin. Ngumuti ako at nag thumbs up sa kanya. Ilang oras pa kaming bumabad sa tubig at nag -asaran, lumalapit sya sa akin kapag napapalayo ako, panay lingon ko din sa mga babaeng pasimple lumapalit sa amin at tinatry kunin ang attention ni Frank, napapangiti na lang ako dahil sa akin lang ang tingin ni Frank at kapag may lumalapit na babae ay dumiretso agad sya sa akin, 'parang may allergy sya at lumapit sa gamot'
Nang dumating ang hapon ay umahon din kami at nagpahinga saglit, kumuha ng mga litrato namin together, minsan stolen shot ko minsan epic failed na kuha. Naglalakad-lakad na lang kami sa dalampasigan ng medyo malilim na.
"Ang ganda dito." Tumingin sa akin si Frank at hinila ako paupo sa mga hita niya, nasa bandang batuhan kami at hinihintay ang pag lubog ng araw. "Babalik ako dito!" Nakangiti kong sabi habang nakatingin sa dagat.
"Mee too...... with you again!" Lumingon ako sa kanya na nilalaro ang buhok ko sa kamay niya, tumingin sya sa akin ng mapansin na nakatingin ako sa kanya. "Alam kong gasgas na ang linyang ako ang pinaka maswerteng tao dahil nakilala ka. Pero sasapi na ako sa samahan nila dahil ang sarap sa pakiramdam at ang swerte nga namang talaga na makilala mo ang yung mahal." He kissed me after he said that.
"Ako din! Kahit sobrang maluko at maluwag ang turnilyo mo sa utak." Tumawa sya sa sinabi ako at mahigpit akong niyakap.
"Ang galing mong manira ng moment kahit kailan." Tumawa din ako sa sinabi nya.
"Pero totoo ang swerte ko! Imagine limang taon kang naghintay sa akin, ang tatag mo bruh." Ginulo nya ang buhok ko habang tumatawa.
"Kung ikaw ang hihintayin, okay lang!" Para akong kandila na nalulusaw sa mga salita nya, hindi ko kayang saktan yung ganitong lalaki na ang tagal naghintay, ang tagal nag tiis sa tagong paghanga sa akin, I can't lose this man, malabong mawala yung pagmamahal ko sa taong ito.
"Happy monthsarry babe! I'll be by your side forever. " I whispered matapos nya akong halikan.
"Happy monthsarry too babe and more celebration to come!" He kissed me softly, nakalimutan na namin panuorin ang papalubog na haring araw. "I'll never leave you..... promise!"
"I hope so, Kasi baka hindi ko kayanin" tumitig sya sa akin na parang ako lang ang mundo nya.
"Papakasalan kita Rayne! Papakasalan kita!"
________________________________