"How's your wound? Masakit pa ba?" tanong ni Joshua habang nasa kalagitnaan sila ng pag-inom. Umiling lang naman ang dalaga bilang tugon. "Are you sure?" pangungulit pa ng binata. "Ang sugat sa katawan madaling maghilom. Pero ang sugat dito, hindi," nakangiwing sagot naman ni Miyanna at saka itinuro ang dibdib kung nasaan ang puso. "Are you drunk already? Dalawang baso palang ang-" natigilan ang binata ng may biglang maalala. "i think she mistook it as old fashioned since they both have an orange peel. Miyanna has a high alcohol tolerance but for some reason, she can't handle even a small amount of gin. And negroni has a gin. That's the reason why she's like that" Kaya naman pala namumula na agad ang buong mukha ng dalaga. Umupo siya sa tabi nito at inagaw ang hawak nitong baso. Inilay

