Hindi na mabilang kung ilang beses ng napakurap si Crizel habang nakatitig kay Yanna na hanggang ngayon ay tulala pa rin at walang imik. The original plan was to go out and eat pero bigla-bigla na lang itong nagsabi na wala ito sa mood lumabas kaya naman naisipan niyang mag take out nalang at at saka sinugod sa bahay ang kaibigan. And she didn't expect na ganito ang madadatnan niya. Yanna doesn't seem to be in her right mind mula pa kanina dahil kung nasa katinuan ito, malamang ay kanina pa sana siya nakikipag agawan sa dala niyang pagkain. She didn't even ask her kung anong ginagawa niya doon and didn't even bother to ask kung bakit wala ang tatlong bruha. Parang zombie lang itong pinagbuksan siya ng pinto pagkatapos ay walang imik ng umupo sa may sofa sa sala. "I knew it. She lost it

