Kung si Joshua ay isang linggo ng hindi umuwi. Si Miyanna naman ay isang linggo na ring nagmumukmok sa bahay niya. Ilang beses na siyang niyaya ng mga kaibigan na lumabas at mamasyal pero hindi siya sumasama. Idinahilan niya pang gusto niyang mapag-isa dahil sinisimulan niya ng bumuo ng isang Love Story ngunit ang katotohanan ay wala pa siyang naitype kahit isang letra man lang. She can't accept the fact na tila diring-diri si Joshua sa Nangyare between them to the point na hindi ito umuuwi para lang iwasan siya. "I was drunk and drugged. Siya naman ang nasa tamang pag-iisip that time pero kung umiwas siya akala mo talaga pinilit ko siya" napairap pa ang dalaga. Nagpasya si Miyanna na lumabas muna mag-isa para magpalamig. "My gosh! I am so stressed. Nag-crave tuloy ako bigla sa sweets. S

