EPISODE 22: "Wala, Cha. Hindi ko pa nakikita ang sarili na maging isang ina sa ngayon," paliwanag ko pa sa kaniya. Napanguso naman ito sa akin. "Hindi ka pa naman manganganak ngayon, ah. Bakit, pagkatapos mong manganak ano ba talaga ang plano mo?" Bahagya kong naalala ang sinabi sa akin ni Senyorito Hadji. Napangiti na ako ng walang sa oras sabay tingin kay Cha. "Pagkatapos kong manganak ay iiwan ko ang bata sa puder ng mga Montesilva. Iyon naman talaga ang pinag-usapan at pagkatapos ay babalik ako rito, tutulungan daw ako ni Senyorito na makapag-umpisa ulit sa buhay ko." "Hoy, alam mo ba..." "Oh, bakit?" Napatingin na ako sa kaniya dahil mukhang may sasabihin na naman siya sa akin. "Ano 'yon?" Huminga na ito nang malalim. "Ayaw ko na sana 'tong sabihin pero may nahahalata kasi talag

