EPISODE 19: “Hi! I’m Donna, and I will be your teacher today.” Nakatitig lang ako sa babaeng nasa harapan ko pagkatapos kong magbihis nitong dress na ibinigay sa akin ni Madam Luisiana. Ngayong araw daw magsisimula na tuturuan ako kung paano kumilos ang isang mayaman at malaman ang tungkol sa pamilya nila. Pumayag na ako sa ganitong klaseng set-up dahil inisip ko na lang ang kapakanan ng kompaniya nila. Parang balik ko na lang ‘yon sa lahat ng tulong na ibinigay ni Senyorito. Tumungo na kaming dalawa ni Donna sa library nitong mansion. Tuturuan niya ako sa basic knowledge ng pamilya ng mga Montesilva at sa kanilang kompaniya. Siya rin ang magtuturo sa akin tungkol sa Arts and Fashion at iyon ang napili nilang pag-aralan ko. Pabor din naman iyon sa akin dahil forte ko talaga ang designi

