EPISODE 26: "This way to the venue, Madame." The receptionist has told us the way papunta sa hall kung saan gaganapin ang Elite Ball. Sobra akong nanlalamig ngayon dahil maliban sa lakas ng aircon, kinakabahan din ako nang bongga. Panigurado kasing halos lahat ng mga tao rito ay mga mayayaman at makapangyarihan. Hindi ko alam kung ano ba ang way para kausapin ko sila nang maayos. “Get you posture straight, you look like a donkey.” Napaitingin ako kay Sir Benedict nang sabihan niya ako. Kaagad ko nang inayos ang paglalakad ko hanggang sa makarating na kami sa tapat ng napakalaki at napakataas na pinto. Makalipas ang ilang segundo ay binuksan na ito ng dalawang waiter at tumambad sa harapan ko ang napakalaking hall na punong-puno ng mga eleganteng mga disenyo. Hindi man ganoon karami ang

