EPISODE 45: Pagkapasok ko sa loob ng bahay, bigla akong napatigil at halos natumba na dahil biglang sumakit ang tahi ko. Naratanta na kasi talaga ako nang makita ko si Brandon kanina. Pinangako ko pa naman sa sarili ko na hinding-hindi ko hahayaan ang sino sa mga Montesilva na makita pa ang anak ko. "Oh, ano'ng nangyari? Bakit ka tumakbo?" Kaagad nang kinuha ni Cha si Baby Dominic sa akin dahil nakita niyang nahihirapan na ako. Marahan naman na akong umupo sa couch at tumingala sa kaniya. "Nasa labas kasi ng gate kanina si Brandon, nakita niya ako at si Baby Dominic." "Oh? Baka naman sabihin niya 'yon sa Kuya Benedict niya," pahayag pa ni Cha. Napakunot na ang noo ko. "Ano'ng gagawin natin kapag nalaman ni Benedict na nanganak na ako at nandito pa tayo?" "Feeling ko kailangan mo na

