EPISODE 42: "Here's your milk, Rose." Marahan na akong napabangon nang dinalhan ako ni Senyorito ng gatas. It's been a few days simula noong naganap ang kaguluhan sa kasal pero hindi pa rin nila ako pinapayagan na magbukas ng kahit anong social media at baka maka-apekto lang daw ito sa pagbubuntis ko. Pero kahit na ganoon, alam ko pa rin naman na ako ang pinagkakaguluhan ng mga tao sa social media lalo na sa mga sinabi ni Cha na isiniwalat na lahat ni Liliana ang tungkol sa pagpapanggap naming dalawa ni Benedict. Everything was fake, maliban sa nararamdaman ko sa kaniya. "Nami-miss mo na naman siya, 'no?" Bigla akong nagulat nang tumambad sa harapan ko si Cha na may bitbit na mga tuwalya. "Ito naman, kung makagulat sa'kin," usal ko pa at inayos na ang pag-upo sa couch. "Anong gulat?"

