EPISODE 30: Nagising ako bandang alas-singko ng umaga. Dumungaw na ako sa couch at nakita ko pa ring mahimbing na natutulog si Benedict habang wala itong kumot. Tumayo na ako at kumuha ng kumot sa cabinet sabay lapit sa kaniya. Nag-aalinlangan pa ako kung kukumutan ko ba si Benedict pero nang mapalapit na ako rito at nakita ko ang sitwasyon niya, dahan-dahan ko nang inilagay ito sa kaniyang katawan. "Thank you," mahinang usal ko sabay ngiti. Nagpapasalamat lang ako na kahit alam kung galit siya sa akin dahil sa pagbubuntis ko ay inaalagaan niya pa rin ako. Nauna na akong naligo at nagbihis para kapag tatawagin kami mamaya ay wala na akong problema. Gusto ko rin sanang gisingin si Benedict pero natatakot naman ako at baka magalit siya sa akin. Tamang-tama naman nang lumabas na ako sa sho

