EVELYN Naglalakad ako ngayon palabas ng hotel na tinutuluyan ko. Nakasuot ako ng sumbrero at mask. Pumara ako ng taxi papunta sa trial court. Ngayon ang first hearing ni papa kaya naman doon ako pupunta. Pagpasok ko ay hindi pa naman nagsisimula. Umupo ako sa pinakadulong upuan. Iyong hindi ako masyadong napapansin. Matiyaga akong naghihintay n magsisimula na ang hearing niya. Nakita ko na pumasok si Sanna. Kasama ang mama niya. Kahit pa hindi hulaan ay alam na alam ko kung kanino sila kampi. Sunod naman na pumasok si Dylan kasama ng mama niya. Kumpleto silang lahat dito. Kasama pa nila si manang at ang driver. Hindi ko alam kung ano ba ang papel ng mga tao na narito ngayon. Galit ako sa kanila pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Dahil ayaw ko na malaman nilang nandito ako. Ang

