EVELYN “Bakit My Eve?” tanong ko sa kanya. “Gusto ko lang? Maganda kasi dito kapag dinner time,” sagot niya sa akin at umiwas siya ng tingin. “Uyy, si tito nahihiyang umamin.” panunukso sa kanya ni Cathriona. “Alam mo manahimik ka na lang d’yan. Bakit ka pa ba nandito? Hindi ka pa rin ba binibigyan ng pera ng parents mo?” “Binigyan pero kasi malaki ang sahod ko dito at masaya ako sa trabaho ko.” nakangiti na sagot niya. “Mabuti naman at natuto ka na.” “Dapat lang, mas okay na may sarili na akong pera. Ayaw ko ng umasa sa kanila,” sabi pa niya. Nakita ko naman na ngumiti si uncle. Alam ko na proud siya sa bratty niyang pamangkin. Hindi naman ito nagtagal at umalis na siya para ibigay sa kitchen ang orders namin. Naging tahimik kaming dalawa ni uncle. Mukhang wala naman siyang balak

