EVELYN Kabuwanan ko na at talagang nahihirapan na akong kumilos ang laki na ng tiyan ko. Malikot na ang mga bata sa tiyan ko. Nagugulat na lang ako dahil bigla na lang sila sisipa ng malakas. Pero masaya naman ako at excited na mahawakan ko sila. Alam ko na higit kanino man ay si William talaga ang mas magiging masaya. Araw-araw ba naman niya tinatanong ang mga anak namin sa tiyan ko kung kailan sila lalabas. “Babies ko, gusto niyo na bang lumabas? Huwag muna ha, kasi wala ang daddy niyo dito sa bahay. Nasa office pa siya, kapag nandito siya na lang kayo lumabas.” kausap ko sa tiyan ko habang hinahaplos ko ito. Feeling ko kasi kanina pa nangangalay ang balakang ko kahit na nakatayo naman ako. May importante lang kasing ginawa ang asawa ko kaya biglaan rin ang alis niya. Kasi kasama ko n

