EVELYN “Hi po, mommy.” nakangiti na bati niya kay Mama Carmela. Hindi naman nagsalita si mama at hindi niya ito pinansin. “Sa tingin mo, anak. Ano kaya ang maganda sa mga ito?” Nakangiti na tanong sa akin ni mama. “Magtanong po tayo para malaman po natin.” “Mas mabuti pa nga,” sabi niya sa akin at naglakad kami para lagpasan si Sanna. “Ang bastos mo rin talagang matanda ka. Ikaw na nga ang binati ko ikaw pa ang may ganang hindi ako pansinin.” Biglang sabi niya na kinapanting ng tainga ko. “Anong sabi mo?” Galit ko siyang nilingon. “Hayaan mo na siya, anak.” Sabi sa akin ni mama. “No, mama. Bastos siya eh,” sabi ko kay mama. “Miss, paki-alalayan ang mama ko.” Sabi ko sa sales lady. Kaagad naman siyang lumapit sa amin ni mama. Hinayaan ko si mama sa babae at naglakad ako papunta s

