EVELYN “Love, sorry. Kinakabahan lang ako pero masaya ako na magkaka-baby na tayo,” sabi sa akin ng asawa ko. “Relax ka lang po, check up lang ito.” Nakangiti na turan ko sa kanya. “Ganito pala ang feeling kapag alam mo na magiging tatay ka na. Hindi ko alam na nakakakaba pala.” Dahil naghihintay pa naman kami kay dok ay nilambing ko muna siya. Siya naman ay pinipisil pisil ang palad ko. Hanggang sa hindi na naramdaman ko na okay na siya. “Huwag ka ng kabahan. I-enjoy na lang natin ang moment na ‘to.” Sabi ko sa kanya at kinuha ko ang phone ko. Gusto kong magdocument kaya naman nagvideo ako. “Why namam so gwapo this man?” Pabiro na tanong ko sa kanya tapos bigla siyang nahiya sa camera. “I love you,” malambing na sabi niya. “I love you more, daddy.” malambing na sabi ko. Nang

