EVELYN “Ang kulit ng tadhana diba? ‘Yung tuwang-tuwa sa akin dati dahil ang bata pa ng asawa ko ay bata rin pala ang type.” pang-aasar ni kuya Adam. Nandito kaming lahat sa labas. Kabababa ko lang galing sa room ko at umakyat naman si Allexha kaya wala siya dito. “Idol kasi kita,” natatawa na sabi ng boyfriend ko sa kuya niya. “Mabuti na lang sinumpa kita kaya si Eve ang dumating.” natatawa na sabi ni Kuya Adam. “Tsk! Hindi lang talaga ako interesado sa iba dahil hinintay ko talaga siya,” nakangiti naman na sabi niya. At umani na naman ng kantyawan mula sa mga kasama namin ang sinabi niya. Nakitawa na lang rin ako dahil ang kulit talaga nila. Ang saya lang ng ganitong pamilya dahil mga mapagbiro sila kahit pa minsan sobrang seryoso nilang lahat. “Kaya dapat humabol ka na, bunso. Ika

