EVELYN “Balik ka na sa class mo, love. Don’t worry dahil okay lang ang lahat.” sabi sa akin ng boyfriend ko. “Okay,” sabi ko sa kanya at lumabas na ako sa office niya. Nakatingin sa akin ang ibang mga students pero wala naman akong pakialam sa kanila. Nangyari na ang lahat at ang tangi ko na lang magagawa ay harapin kung anuman ang consequences ng ginawa ko. “Okay ka lang ba?” tanong sa akin ni Harry pagpasok ko sa classroom namin. “Okay lang ako,” sagot ko sa kanya at ngumiti ako. “Akala ko ako na ang pinaka-cool dito sa Campus pero ikaw pala talaga. Ang lakas mo,” natatawa na sabi niya kaya napangiti na lang rin ako. “Alam ko na mali ako, Harry kaya ‘wag mo akong tularan.” sabi ko sa kanya. “Pero ang cool mo pa rin. Ang tapang mo talaga, isang balibag mo lang siya.” sabi pa niya

