EVELYN “Papa, ano po ang gagawin natin?” tanong ko sa kanya. Dahil hindi ako makapag-isip ng maayos sa pag-aalala ko kay mama. “Relax, sweetie.” “Kailangan po naming umuwi ngayon.” Sabi ko sa kanya. “Ako na ang magmamaneho ng van, hayaan mo na lang muna siyang matulog.” sagot sa akin ni papa. “Papa, ako na lang po ang magmamaneho. Nakainom ka rin po eh, hindi po safe.” sabi ko sa kanya. “Kaya ko naman, sweetie.” “No, papa. Ako na po, samahan mo na lang si mama dito. Pangako po, okay lang kami.” nakangiti na sabi ko sa kanya. “Maghanap na lang tayo ng puwedeng magdrive,” sabi niya sa akin. “Kaya ko na po–” “Pero malayo ang Maynila at buntis ka. Hindi safe para sa ‘yo,” sabi niya sa akin. “Magigising po ang asawa ko mamaya. Bibigyan ko lang siya ng time para makatulog,” sabi ko sa

