1st event:look for the torch!

1006 Words
Hapunan na ng magkita kita kaming mga mgkakaroom..Galing ang iba sa ibat ibang department.Tangging kami lang ni Aleli ang parehas ng departamento..Sabay sabay na kaming pumunta sa dining hall..1st time ko doon since hindi nga ako nakakaen ng tanghalian kanina..Maluwag ang dining hall..Buffet style kaya kanya kanyang kuhaan.Dalawa lang kami ni Aleli na nasa mesa dahil ang ilan sa mga karoommate namen ay pumunta sa mga kadepartment ng mga ito.. "Ang unti naman ng food mo"sabi sa akin ni Aleli na makaupo kami matapos kumuha ng pagkaen namen.''' Medyo busog pa naman kasi ako dahil nga sa pagkaeng dinala ni Kevin kanina kaya halos dessert lang kinuha ko..Hindi ko naman masabi ng direkta dito at baka may something ito at si Kevin eh baka magkaroon pa ng ibang kahulugan.. "Do you like the food Drea?"nanigas ang likod ko ng marinig ang pamilyar na boses na iyon..Hindi pa ko ready makita ito matapos ng nangyari kanina..Nag-init ang pisngi ko... "Kevin...kanina pa kita inaantay..san ka ba nanggaling?"tanong ni Aleli dito ng umupo ito..na tila nanadya dahil sa tabi ko ito umupo.. "Galing ako sa room niyo pero nauna na pala kayo dito.."sagot nito na sa akin nakatingin "Oh I forgot to text you..naiwan ko sa room yung cellphone ko eh"sweet na sabi ni Aleli Ngumiti dito si Kevin pero bumaling ulit ito sa sa akin.. "Naubos mo lahat ng dinala ko sayo?" Tumango ako at tumingin agad kay Aleli..Nakahinga ako ng maluwag ng tila naman balewala dito yung tinanung ni Kevin dahil diretso lang ito sa pagkaen.. "I heard may bonfire every night"tanong nito kay Kevin na abala pa din sa pagtingin sa akin..Nyemas!hindi tuloy ako makakaen ng maayos..Favorite ko pa naman mga kinuha ko..pero hindi ko pa nakakalahati dahil sa walang humpay na pagtingin ng katabi ko. "I heard also.."matipid na sagot ni Kevin.. "Andrea"napalingon kaming tatlo sa tumawag sa tumawag sa akin..Si Dennis iyon kasama ang mga kateammates nito... "Sabay ka na sa amin papauntang dalampisagan..nakapag set up na ng bonfire doon! At para makaiwas ako sa pagtingin ni Kevin eh tumayo na ko para sumabay kina Dennis.. "See you later Aleli..sabay na ko sa kanila huh" Hindi ko na tiningnan pa si Kevin kahit alam kong hinabol ako nito ng tingin... Marami rami na din tao sa dalampasigan ng dumating kami..Nakaset up na din ang gagawing bonfire pero wala pa itong sindi..Maya maya pa ay nagsimula ng magtawag ang mga guro sa lahat ng estudyante upang pumunta na sa dalampasigan para masimulan na daw ang aktibidades sa gabing iyon..Napamaang kaming lahat sa narinig..dahil alam namen bukas pa ang officially start ng 1st activity..Inantay lang magsidatingan lahat ng estudyante at ngannounce na si Mr.Baylangon..ang head in charge for all activities na gagawin sa buong duration ng outing... "Alright..everyone..listen up....Alam ko lahat kayo nagtataka kung bakit may activites tayo ngayon..The first activity is supposedly tomorrow morning..but look at the moon..it shine so bright.." Lahat kami ay napatingin sa buwan..kabilugan pala nito ngayon..kaya naman maliwanag ang paligid... "So the committee decided na magdagdag ng activity ngayon...Kung napapansin niyo..wala pang sindi ang ating bonfire...its because... the torch that will enlight the bonfire is inside the forest..."At tinuro nito ang kakahuyan.."You need yo find the torch para masindihan ang bonfire..and yung makakakuha ng torch na iyon will have a special prize and will have a great advantage para sa last event na gaganapin tomorrow night!naexcite ang halos lahat sa sinabing iyon ni Mr.Baylangon...Lahat gustong sumali..Lahat gustong magparticipate.. "Pero not all of you can join"umugong ang kabi kabilaang protesta..."Quiet kids...Listen up First...Masyado kayong madami kung lahat kayo maggagalugad sa forest..isa pa..safety first tayo..kaya we will have a 10 groups..with 2 person each..Bubunutin natin ang name ng mga kasali at yung mga participant ang pipili ng magiging partner nila..Okay ba yun?"sabay sabay na nagsisagot ng "OKAY"ang mga naroon... Nakabunot na ng 9 na pangalan at kasali dun si Dennis..pagtawag palang ng pangalan nito..binulungan na ko nito kung pwede akong makapartner nito...Hindi pa ko nakakasagot dito dahil bagamat sanay ako sa kakahuyan..hindi ako mahilig sumali sa mga activities.. "The last participant is none other.....Mr. Kevin Ferrigo!"nagtilian ang ilan sa kababaihang nandun..Lahat gusto makapartner si Kevin... Tumingin si Kevin sa paligid..may mga ngpriprisinta ng maging partner nito pero may hinahanap ang mata nito..Nang makita nito iyon ay nilagpasan nito ang mga taong ngkukumpulan dito at tinungo ang direksiyon papunta sa amin..Nagpanic ako!Bakit sa direksyon namen ang tungo nito? "Drea..can you be my partner?"nilahad nito ang palad pagkalapit sa amin.. Napatingin ako sa nakalahad na palad nito..baka sumulyap sa paligid..Nakita kong nakatutok ang paningin sa akin ng lahat..Yung mga babae nga na nagtilian kanina ay nakataas na ang mga kilay...at sinusuri ako mula ulo hanggang paa... Nakarinig ako ng malakas na tikhim sa tabi ko... "Ako na ang partner ni Andrea..Ferrigo..so back off"sabi ni Dennis at hinawakan ang siko ko... "Did she say so?Mukhang hindi pa siya umoo sayo...Hindi ba Drea?"at hinawakan din nito ang kabilang siko ko... Nagsinghapan ang mga tao sa paligid dahil sa tensyong nabubuo... Pero pakiramdam ko..isa akong gamit na pinagaagawan kung kaya sabay kong piniksi ang mga braso ko na hawak nila .. "Pasensiya na...wala isa man sa inyo..ang pipiliin ko..Sapat na sa akin na nakasama ako sa outing na ito..Pero wala akong balak sumali sa mga activities..Kaya maghanap na lang kayo ng iba.."tinalikuran ko ang mga ito at ngmartsa pabalik sa aming kwarto!Ayoko pa naman nalalagay sa alanganin!Magiging usap usapan na naman ako nito so its better to stay away from the crowd..Hindi na ko lumingon pa.Narinig ko ang pagpito..kasunod ang hiyawan ng manunuod..tanda ng pagsisimula ng paghahanap sa torch na magbibigay apoy sa bonfire!Gusto ko sanang manuod at alamin kung sino magwawagi sa paligsahan iyon pero mas pinili kong ipagpatuloy na lang ang pagpunta sa kwarto namen..Tutal malalaman ko din naman yun bukas dahil tiyak na magiging hot topic ito... Hindi pa ako masyadong nakakalayo sa dalampasigan ng biglang umikot ang paningin ko at nakaramdam ng pagkahilo..huminto ako saglit upang hindi ako mabuway sa pagkakatayo subalit hindi ko kinaya ang pagkahilo..unti unti akong natumba at nawalan ng malay..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD