Nagising si Kelsey nang marinig ang malakas na pag-iyak ng kanyang anak na si Elyxa. Kaagad siyang napatayo mula sa kanyang kama at patakbong lumabas mula sa kanyang kwarto. “Elyxa!” she shouted her daughter’s name. Kaagad siyang tumakbo sa kusina kung saan niya naririnig ang patuloy na pagiyak nito. Nang makita niya ang kanyang anak sa kusina ay kaagad niya itong niyakap. Humagulgol ito. “M-Mama!” “What happened sweetheart? What happened?” kaagad niyang tanong dito habang hinahaplos ang likod nito upang mapakalma ito. Her daughter shook her head while crying. “Toffee’s dead ma.” Napalingon siya sa kanyang likuran at doon niya nakita ang kanyang anak na si Elyxior na medyo namumula pa ang mga mata. She’s definitely sure na galing ito sa pag-iyak. She mouthed ‘come here’ to Elyxior at l

