"The majority isn't always right." *** NANGAWIT na ang panga ni Roarke sa pagngiti at pagbati sa mga schoolmate niyang tumatawag sa kanya. Sa Elestia, hindi siya required ngumiti dahil ang pagiging seryoso at formal ang tanda ng pagpapakita ng paggalang o pagrespeto. Pero dito sa Pilipinas, alam niyang may sasabihin o iisiping masama sa kanya ang mga tao kapag hindi siya ngumiti at nanatiling nakasimangot buong araw. Ayaw naman niyang mangyari 'yon dahil ngayon pa lang tumitibay ang samahan sa pagitan ng dalawang bansa. Bilang prinsipe ng kanilang monarkiya, kailangan niyang makisamang mabuti sa ibang lahi. He was in the General Academic Strand and he was relieved to be in the same class as Yuki. Hindi na siya mahihirapang mag-"imbestiga" tungkol kay Koji na kung hindi niya kakausapin,

