JENNY POV "Oh Jenny? Small world na naman tayong dalawa. Hindi ko naman ine expect na makikita kita dito," sabi ni Sandra na nakapila rin sa loob. "Sino pala yung lalaking nakita ko sa labas? Tatay mo ba?" tanong pa niya. Halos pag pawisan ako ng malamig dahil sa sinabi niyang ito. Hindi ko lubos akalain na ang talas naman ng mga mata niya at mabilis niya akong nakita. Nako po, never ko talaga ine expect na magkikita kaming dalawa. At kapag nalaman niya talaga na ang dean ng school ang kasama ko, sigurado ako na mag sisimula na siyang mag hinala sa akin. "Ahhh....... stranger yun. Nag book lang ako ng grab tapos ganun pala ang sasakyan na dala niya. Don't mind him kasi di ko naman siya kilala," medyo kabado ko pang sagot sa kanya. "Ah okay. Grabe naman, ang sosyal mo naman. May pa

