JENNY POV "Wow naks naman! Anak pag husayan mo lang ang ginagawa mo ha? Alam ko naman na talagang matalino ka, sigurado ako na matutuwa ang tatay mo sa ibabalita ko sa kanya." "Sana sa susunod tumawag naman sa akin si papa para naman marinig ko rin ang boses niya," pahaging ko pa. Mabait naman si papa pero nagtataka ako kung bakit madalang na niya akong kamustahin. "Oo, ibabalita ko itong lahat sa kanya. At kapag ga graduate ka na, pupunta talaga kaming lahat jan," sabi niya pa. "Nako ma, ang tagal pa nun bago mangyari eh. 4 years pa ang bubunuin ko para lang maka graduate ako sa course ko," actually, sobrang challenging nga na maipasa ko ang subject ni Ma'am Karina dahil kay Lester. Ewan ko ba kung bakit na lamang ako biglang nadamay sa issue na ito. Kasalan din ito ng apelyido ko

