JENNY POV Sayang, at somehow ay gusto ko rin sanang mag stay dito kasama si Lester para makapag movie marathon din kaming dalawa. Pero ayaw ko naman na mag aalala sa akin si Ninong Jonas kung saka sakali. "Siya nga pala, i add mo na lang kaya ako sa peysbuk para naman mas madali? Chat na lang tayong dalawa para naman mas kiligin ka? Pwede mo rin naman akong mai stalk kung gusto mo hehehe!" sabi niya pa sa akin. "Ang yabang mo talaga eh no? Cellphone number mo lang ang gusto kong makuha," pangungulit ko sa kanya. "Wag na! Mas maganda kung peysbuk account ko na lang. Ime message mo lang naman ako eh. At tsaka mas active kasi ako sa social media account ko kesa sa pagte text. Panahon lang yan ni kopong kopong uso. Mga millenials na tayong dalawa kaya naman maki uso rin naman tayo pamin

