Chapter 86 Zhannia PAGDATING namin sa mansiyon ng mga Hayes sa Forbes Park, ramdam ko ang bigat ng atmospera sa paligid. Huminto ang sasakyan ni Adrian sa driveway, at naunang siyang bumaba ng sasakyan, pinagbuksan niya ako ng pinto gaya ng nakasanayan ko sa kanya, pero ngayong gabi, sobra akong kinakabahan. Inabot niya ang kamay ko. At magkahawak kaming sabay na humakbang papasok sa loob ng bahay, dumiretso kami sa harden kung saan naroon ang isang mahabang mesa malapit sa gazebo. "Relax!" bulong ni Adrian sa tenga ko. "Remember, okay?" He said with assurance. Marahan akong tumango bago kami, muling humakbang na dalawa. Habang papalapit kami. Nakita ko agad ang mga magulang ko, ang mga magulang ni Adrian, at ang mga magulang ni Khail na naroon na. May ilang segundong katahimikan ba

