"Pa! Pa!" nagkukumahog kong tawag sa ama ng asawa ko. Pababa na ako ng hagdan nang sumilip ito mula sa dining room. "What? Anong pa ka d'yan?" "Pwede na kitang tawaging papa, tapos iyong anak namin ni Aurelia ay Lolo na ang itatawag sa 'yo." Excited na ipinakita ko sa ama ni Auring ang mga pregnancy test kit na puro positive lahat. "What is this?" takang ani ng matanda. "Hindi mo alam?" manghang tanong ko sa father-in-law ko. "Hindi. Ano ba ito?" "Pregnancy test kit iyan, pa." Agad gumuhit ang malawak na ngiti ng matanda. Labas ang ngipin. Gano'n din ang ngiti ko. Tiyak na mawe-weirdo-han ang makakakita sa itsura naming dalawa. "Nadali na?" tanong nito. Ngiting-ngiti pa ring tumango ako. "Tatay na ako, pa!" "Tangina! Ang tagal kong hinintay ito." Agad akong sinakal ng ama

