5

1998 Words
Mahigpit ang hawak ni Lion sa kamay ko. Parang domino effect na nahahawi ang mga tao habang naglalakad kami. Halos matisod-tisod pa ako, para lang masabayan ang malalaking hakbang nito. Dahil kahit kasi iika-ika ito, malalaki pa rin ang mga yabag nito. Iyon ang hindi ko masabayan, kaya halos mahila na ako nito. Pagkalabas na pagkalabas namin ay may mga grupo ng mga kalalakihan na bigla na lang nagsipagtutok ng kanilang mga baril sa amin ni Lion. Sa pagkabigla ko'y napasiksik ako sa likuran nito. Samantalang ang lalaking katatapos lang makipagbugbugan sa loob ay hindi man lang na bahala sa sitwasyon naming dalawa. Hindi ba nito nakikita na halos pitong kalalakihan ang may hawak ng baril at parang ano mang oras ay kakalabitin ang mga gatilyo ng baril nila? "What's going on here?" dinig namin si Magda. Sumunod pala ito sa amin, ngunit hindi namin iyon napansin. "Siguro naman ay alam ninyo ang rules ng lugar na ito." Humakbang ito at pumagitna. Hindi man lang din ito natakot sa mga baril, mukhang normal na normal talaga sa kanila ang ganitong bagay. "Hindi lang kayo ang tatanggap nang parusa sa ginagawa ninyong paglabas sa rules ng lugar na ito. Madadamay ang grupong kinabibilangan ninyo. Kaya ano pang hinihintay ninyo?" sabay-sabay na nagbaba ng baril ang mga ito. Wala pa ring sinabi ang lalaking may hawak sa kamay ko, nakuha pa nitong maglakad at bahagyang bungguin si Magda na agad gumilid para makadaan kami nang matiwasay. Takot na napasunod ako sa lalaki na hindi ako binitiwan. Suot pa rin nito ang maskara n'ya, kaya hindi ko mabistahan ang kanyang mukha. Sa higpit nang hawak nito, kahit pumasok sa isip ko na tumakas, ay hindi ko itinuloy. Sinalubong kami ng mga armadong lalaki, but this time ay hindi kami tinutukan ng baril. Yumukod pa nga ang mga ito sa lalaking humihila sa akin. May kulay itim ng sasakyan na naghihintay. Bukas ang pinto sa backseat, agad akong iginiya ng lalaki pasakay roon. Akmang uusog ako sa kabilang side nang magsalita ito. "Don't move." Parang maamong tupa na sinunod ko ang sinabi n'ya. Saka n'ya isinara ang pinto. Palinga-linga ako. Hinihintay ko kasing sumakay ang lalaking ito sa sasakyan. Ngunit umusad na lang ang kotseng kinalululanan ko, pero walang 'Lion' na sumakay. "M-anong? Pwede po bang ibaba n'yo na lang ako sa pinakamalapit na terminal?" ang ayos nang tanong ko, pero hindi man lang sumagot sa tanong ko si manong. Hinawakan ko ang bukasan ng pinto, ngunit naka-lock iyon. "Manong, buksan n'yo na lang po. Parang awa n'yo na po. May chance pa akong makatakas, at ito na po iyong chance na iyon." "Ma'am, itulog mo na lang po iyan. Nakikita n'yo po ba iyon?" gumawi sa rear-view mirror ang tingin ko. Nakita ko ang tatlong sasakyan na nakasunod sa kinalululanan ko. "Kaya mo bang takasan ang mga iyan? Kung hindi, sundin n'yo na lang po ang unang advice ko. Matulog na lang po kayo." Hindi ko alam kung seryoso ba ito, o tinutudyo lang n'ya ako. Pero nakita ko nang lumiko ang sasakyan na kinaroroonan ko, lumiko rin ang tatlo pa. "Pero po. . . dinukot lang naman po kasi ako. Hindi po ako dapat naroon sa lugar na iyon. Manong, baka po pwedeng pakiusapan na lang din iyong boss po ninyo." Narinig ko itong tumawa. Bumilis ang takbo ng sasakyan. Kaya hindi ko maiwasang panlamigan ng katawan. Ang bilis nang t***k ng puso ko. Parang ako pa nga ang hindi makasabay roon, kaya iba rin ang paghinga ko. "Ayos lang po kayo?" pasulyap-sulyap ito sa rear-view mirror. Sinisipat-sipat ako nito. "P-akibagalan po ang takbo ng sasakyan." Nagtataka man, sinunod naman ng driver. Saka nito tinap ang device. "Walang problema rito, buddy. Nakiusap lang si ma'am na bagalan ang sasakyan. Ha? Tatakas? Walang gano'n. Buhay o patay, iyon ang sabi ni boss. Kahit saan sa dalawa, basta maidala siya sa mansion." Takot na napasiksik ako sa sasakyan. Sinong hindi matatakot kung gano'n ang maririnig mo? May gano'n order ang boss nila sa kanila? Ibinalik nito ang focus sa pagmamaneho. Nakita ko pa itong pangiti-ngiti. Matagal ang naging biyahe namin. Patungo na ang sasakyan sa isang liblib na lugar. Kahit sabihin ng driver na matulog muna ako, hindi ko magawa. Wala akong makitang bahay or establishment. Mas paliblib nang paliblib ang lugar na ito. Nagtataasan ang mga puno, wala rin akong nakitang ibang sasakyan. Kahit na ang habang kalsada na ang tinahak namin. "N-asaan na po tayo?" tanong ko. Pangsampung tanong na ata iyon. Wala rin naman kasing makitang palatandaan kung nasaang lugar na kami. At sa wakas, may natanaw na akong kulay itim na gate, medyo malayo pa. Pero kitang-kita ang laki no'n. Sa laki no'n ay agaw pansin talaga. Napakataas din ng pader na ilang minuto binaybay bago huminto roon sa nakita kong gate. "Narito na po tayo." Napasilip ako sa bintana. Unti-unting bumukas ang malaking gate. Kahit madaling-araw na ay maliwanag pa rin dahil sa mga ilaw na nakabukas. Umusad ang sasakyan papasok. Papasok pa lang, pero mas lalo na akong pinanghinaan ng loob. Napakatataas ng mga pader. Ang tanging paraan lang para makalabas ay dumaan mismo sa gate. Pero kung ganitong bantay sarado ako, malabo kong magagawa iyon. Bumukas ang pinto sa backseat. Sumilip doon ang isang babae na pormal ang expression ng mukha. "Ako si Cleope. Maaari ka na pong bumaba." Pati boses nito ay tugma sa ayos nito. Nanginginig pa ang aking tuhod nang humakbang ako pababa. Muntik pa ngang mawalan ng balanse kung 'di lang nahawakan nito. Ano bang balak ni Lion sa akin? Bakit kailangan n'yang makipagpatayan doon sa arena para lang manalo? Masyadong mabigat ang aura ng lugar. Unang-una ng dahilan ay dahil sa mga lalaking naka-business suit na kulay itim. Sa bawat sulok ay nakikita ko sila. Pangalawang dahilan ay ang bahay na parang palasyo. Hindi iyon kita sa labas, dahil sa taas na rin ng pader at matataas na puno. Pero kapag narito ka na sa loob, para kang nakatanaw sa isang palasyo na madalas makita sa bansang Italy. Nakulong man ako ng walong taon sa mansion sa Santa Catalina, hindi naman naging hadlang iyon para ako'y matuto. Libangan ko na nga lang doon ay ubusin ang mga libro sa pagbabasa. "Kilos." Utos ni Cleope. May kasamang bahagyang pagtulak para lang umusad ako. Saka lang din naisara ang pinto ng sasakyan. Hindi ko naman alam kung saan ang tungo ko, kaya naman nagpatiuna na si Cleope. Sumunod ako rito. Bawat lagpasan naming mga men in black ay yumuyukod. Dahil siguro sa babaeng nauuna lang ng dalawang hakbang sa akin. Tumapat kami sa napakataas na pintong sarado. Mas lumakas pa ang kaba ko nang unti-unting bumukas iyon. Tumambad ang mga babae naman ngayon na nakahanay. Kulay itim din ang kanilang uniporme na may lining na puti. Magiging katulad ba nila ako? "Buongiorno, mia signora." Parang mga robot na bumati ang mga ito. Napayuko-yuko rin ako. Kahit na si Cleope ay dere-deretso lang na naglakad papasok. Sumenyas ito sa akin na lumapit. Iyon din naman ang agad na ginawa ko. Baka uutusan na rin ako nitong magpalit na katulad sa mga damit ng mga kasambahay. "G-agawin n'yo ba akong k-atulong dito?" bahagyang nauutal na tanong ko. Mula ulo hanggang paa tuloy ay tinignan ako nito. "Sa tingin mo ba'y nag-aksaya ng 20 milyon ang amo ko para kumuha ng katulong sa arena?" tanong nito sa akin. Madali lang ang sagot, iyon ay hindi. Napakaimposible na gagastos ng 20 milyon ang isang tao para sa isang kasambahay. Maaari s'yang kumuha sa mga agency na may offer na gano'n. Kung hindi pagiging kasambahay, ano ang magiging role ko sa lugar na ito. "Renese, Calipa, at Alip." Bigkas ni Cleope. Sa tingin ko'y pangalan iyon ng tatlong babaeng parang robot na kumilos para lumapit sa amin. "Linisan n'yo ang babaeng ito." Itinuro pa ako ni Cleope. Agad akong napaatras. Ngunit umikot ang dalawa, hinawakan ako sa braso at balikat ko. Sinubukan kong pumalag, ngunit malakas ang mga ito. "Kapag pumalag, patulugin n'yo. Huwag kayong magpakapagod sa mababang uri ng babaeng ito." Karay-karay na akong hinila. "Sandali! Sandali lang!" sinubukan kong manatili sa pwesto ko, pero nakuha pa rin nila akong ilayo. Nafru-frustrate ako. Hindi pwedeng maging ganito ang kalagayan ko. Kailangan kong makaalis dito at mahanap si Alatheia. Hindi pwedeng pati ako'y mawala rin. Naipasok ako sa isang silid. Kung saan ang pangatlong babae ay agad na sinimulang hubaran ako. Gumamit pa ng gunting ang babae at ginupit ang saplot ko. Hindi ba uso sa kanila ang makinig sa pagtanggi ko? Hindi ba nila ako naririnig? "Huwag ka nang tumanggi pa. Kung ano man ang gawin namin sa 'yo, hindi mo kami pwedeng pigilan. Inihabilin ka sa amin ni Lion." Seryosong ani ni Cleope. Sumunod pala ito. May isa pa itong kasama kung saan ay may bitbit na damit. "Paliguan n'yo siyang mabuti. Linisin ninyo. Tiyak na ang silbi lang naman n'ya ay pampainit ng amo natin sa kanyang kama." Literal na walang saplot na natira. Hubad na hubad ako sa kanilang mga mata. Nang humakbang si Cleope palapit sa akin, naramdaman ko ang paghaplos nito sa aking likod. Nagkatinginan din ang apat na babaeng kasama namin sa silid na ito. "Magmadali kayo. Baka umuwi ngayon ang ating amo." Hinila na ako papasok sa banyo. Sapilitan pinaupo sa malaking bathtub. Kahit sabihin kong kaya ko, hindi pa rin nila ako pinakinggan. Pinaliguan nila ako, mula ulo hanggang paa ay nilinis nila. Pati nga pagpunas sa basang katawan ko ay sila ang gumawa. Naubusan din naman ako nang lakas na magpumiglas. Sumunod na ginawa nila ay may kung anong ipinahid sa aking likod. Nang tumayo ako sa harap ng salamin at tinignan iyong likuran ko, hindi ko na nakita pa tattoo na labing apat na taong gulang pa lang ako ay naroon na. May kung ano silang ipinahid na kakulay ng aking balat. Kaya naitago iyon doon. Ayaw ba ng kanilang amo ang may tattoo? "Kaya ko na." Awat ko sa babaeng balak suutan ako ng underwear. Pero imbes makinig, itinuloy pa rin nito ang gusto. Binihisan nila ako ng isang bestidang kulay puti. Mahaba iyon, abot hanggang sa aking paa. May ilang desenyong bulaklak. Ngunit bilang lang naman. Ang unat kong buhok ay bahagya nilang kinulot. Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang nakita ang sarili ko sa gano'n ayos. Hindi pa nga ako makapaniwala na ganito ang resulta. "Mia signora, nais n'yo po bang kumain?" tanong sa akin. Hindi ko tanda ang oras nang huling kain ko. Pero dahil sa tanong ng babae ay wala sa sariling kumain ako. Akmang aalis na ang babae, nang magsalita si Cleope. "Sinong may sabing kakain siya?" tanong nito. Napahinto tuloy sa paglabas ang kasambahay. Saka dahan-dahan umikot paharap sa amin at napayuko ito. "Walang magpapakain sa kanya. Hanggat hindi ko sinasabi. Hindi iyan prinsesa na pagsisilbihan ninyo. Susunod lang kayo sa utos ko, sa mga salita ko, sa akin lang. Naunawaan ninyo?" "Sì, signora." Tugon ng apat na babae. Tumingin si Cleope sa akin. Iyong titig na parang ang baba ng tingin nito sa akin. "Maganda ka lang. Pero tiyak na gagawin ka lang basahan at basura sa mansion na ito. Sayang." Naiiling na ani nito. "Andiàmo." May words naman akong nauunawaan kaya ng huling sinabi nito, niyaya na nitong umalis ang mga babae. Sinubukan kong sumunod at humabol, ngunit tinabig ni Cleope ang kamay kong humawak sa pinto. Saka iyon isinara. "Cleope. . . parang awa n'yo na. Pakawalan n'yo ako." Iyon iyong kanina ko pang pakiusap sa kanilang lahat. Pero walang nakinig sa pakiusap ko. Ngayon, nakakulong ako sa silid na ito. Silid kung saan, para lang ding kulungan sa paningin ko. Walong taong nakulong sa mansion ni papa sa Santa Catalina, ngayon ay nakakulong din sa mansion na ito. Ang masaklap, hindi ko alam ang pakay ng mga ito sa akin. Nanlulumong napasalampak ako sa sahig. Malamig doon, pero wala akong pakialam. Binihisan nga nila nang maayos. Pero ganito rin pala ang magiging sitwasyon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD