"Hindi maiaalis ang kahihiyan na dulot ng ginawa na kanilang klasmeyt si Ambo Ambaho. Batid nitong hindi sadya ang naging resulta nitong pagkain ng Kamote na bigay ng kanyang ina. Bilang pabaon nito sa school."
Hallway
May iilan na mga estudyante ang nagkukumpulan at nag-aasaran ng mga sandaling iyon. Habang naglalakad ang binata si Ambo padaan patungo sa kanilang room, habang naka tungo ito, ng may sumigaw na "Magbigay galang sa ating principe ng kamote at bigyan ng madadaraanan." Sabay nag sipag tinginan ang iilan sa nagsalita na kagaya din ng grade 7th. At ang iilan ay nakapag ngiti sa kanilang kamag-aral habang dumaraan ito sa corridor. At tila naunawaan naman nito ang nais ng binatang announcer sa sinabi ng kanilang kapwa kamag-aral.
Agad nahawi ang mga daanan sa loob ng school Kauratan at pansino ng iilan sa mga estudyante ay nangi-ngiti sa kanilang nakikita sa mga sandaling iyon.
Halos hindi na tumitingin ang binata sa kanyang dinaraanan, dahil sa kahihiyan na kanyang nagawa at hanggang sa mabunggo siya sa isang malapad na ___.
a. bato b. tao c. malapad na dibdib d. wala sa nabanggit.
(so guys, may choices pa pala. sagot na dali.)
Habang hinihimas-himas ang boo ng binatang si Ambo ang animo'y nasaktan na noo nito, ang siyang harap ng isang gorilla este bakulaw, ay mali isang malaking estatwa na hawaii ng class section B.
Pinagsabihan siya ng isang estudyante na "pre tumingin ka naman sa dinaraanan mo, para makita. Kung anuman ang mga nasa paligid mo. Kung may mga naka harang ba sa dinaraanan. Huwag kang ungas na naglalakad dyan."
"Sorry! Hindi ko talaga sadya eh. Tsaka malay ko ba, na dito kayo daraan" Wika ni Ambo sa kausap nitong taga grade 7th section B.
"Kita mo, itong hawak namin isang estatwa na gawa namin sa semento na hinulma para maging art work namin sa Art education. Kaya lang medyo nagkaroon ng kaunting pagka paling ng bahagya ang katawan nito. Dahil sa katangahan mo na nabangga mo nga, Alam mo ba na hindi pa matigas ang aming proyekto. Kaya pasalamat ka na ganyan lang ang natamo nito." Boy2
"Kasi naman ang lawak nitong hallway dito niyo pa talaga na isipan dalhin 'yan." Ambo
"Aba't ang tanga mo lang no pre! Natural andito iyong malapit sa hagdanan, kaya dito namin siya idaraan. Dahil kung sa dulo pa eh, baka abutan na kami ng tanghalian. Bobo." Boy2
"Anong sabi mong bang ka?" Ambo
"Ang Sabi ko bobo ka, hina pa ng pandinig." Boy2
"Aba't ang akala naman nito ang taking eh, makapag salita ng bobo ang akala may alam, tsk, tsk, tsk." Ambo
"Hoy, pare tama na yan. Mukhang magkaka-pikunan na kayo. Huwag muna lang pansinin 'yan, tsaka mamaya mahuli pa tayo ni teacher A dito malintikan pa tayo." Klasmeyt ni Boy2
"May araw ka din sa akin hung-hang ang akala mo natatakot ako sayo, hindi mo ako kilala unggoy ka."
"Eh, Di wow. Magpakilala ka para malaman natin na isa lamang kangas na dumadapo sa mga tulad namin." Ambo
(Alam ng binata na tila nang aasar ang kanilang kamag-aral sa kanyang kapwa kayat ito ang naisagot nito sa kausap)
Hanggang sa 'di mapigilan ang silakbo ng mga damdamin ng bawat isa, ay agad susugurin ang nag-iisa lamang na estudyante ng may narinig sila na sigawan ng mga estudyante na nagpapa echo sa labas ng corridor ng mga iba pang estudyante at nagwika na "on the right corner, weighing 80 pounds of Kamote. The Fart Prince Ambo." Sa kanilang banda ang mga estudyante ay hindi magkamayaw sa mga hiyawan at mga asaran sa kanilang pinapanigan na mga manok. At ng ipinakilala nito ang binata sa mga estudyante na animo'y nanood lamang ng boksing sa tv habang ang iilan ay naririnig nilang sumisigaw na "sige Ambo patumbahin mo ang mga iyan, para tapos na ang laban."
At sabay-sabay natawa sa sinabi ng mga kapwa estudyante ng Kauratan. Iilan lamang ang mga ito na nasa gawin ng kalaban. At hindi nagtagal muling umalingaw-ngaw ang isang boses na nagmula din sa nagpakilala sa kalabang si The Fart Prince. At ngayon muling nagsalita ang announcer na "on the left corner it's undefeated in boxing 90 pounds weighing. Please welcome Bobong Bakulaw." Nag-hiyawan ang mga nasa labas ng hallway na ginagawang arena ng mga estudyante. At habang pinag sabong ang dalawa g estudyante hindi maitanggi ng iilan sa mga nanood ng live ay may nagsasabing "aray, inaku-po masakit ang tumama sa mukha ni the frat prince." Sapol sa mukha ang binata, habang sinuntok ni Bobong ang mukha ni Ambo, kayat ang itsura lamang nito na parang napisa na kamote lamang.
At biglang bumangon ang binata na ikinagulat ng kalabang si Bobong, nang susuntukin siya nito sa mukha at may kinapa sa mukha nito. At ang binatang si Ambo na hindi maipinta ang mukha nito na nasaktan, dahil sa suntok na natamo sa kalabang si Bobong Bakulaw. At gumanti naman ang tinagurianng Fart Prince ng sama na loob sa kalabang si Bobong na hindi mapigilan umasim ang mukha nito. Tila hindi nagustuhan ng binata ang paraan ng pakikipag laban ni Ambo na magpakawala muli ng nakaka sulasok na amoy, parang nabubulok na basura lamang.
Kayat agad na sinuntok ang binata sa mukha ng hindi namamalayan ng kalabang si Bobong at dun napa hilata ang binata. Dahil sa amoy na dulot ng ginawa na kanyang kalaban si Ambo. Nahimatay ito sa tindi ng amoy na kanyang nalalanghap at nawalan siya ng malay, kayat tumakbo ang referee nito na animo'y dadaluhan ito sa pagkakahiga nito.
Hanggang sa pinakinggan ang heartbeat ng kalaban na tuggudog, tuggudog, tuggudog. At nagsimula ng magbilang ang referee na "1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10 knock out Bobong Bakulaw. And the winner is Ambo Ambaho." May mga nagpalakpakan at itinaas ng referee ang kamay ni Ambo hudyat na nanalo siya sa laban nila Bobong.
At hanggang sa may lumapit ba Medic upang tingnan silang dalawa sa natamong suntukan.
___________
Makalipas ang 45 minutes ay naroon pa din sila sa loob ng clinic upang. Ipa-check up sila sa Doctor na naka assign sa kanila si Doctora Dilah Dimapilis siya ang nagbigay ng reseta sa dalawang estudyante ng Kauratan.
Tanging na sambit ng binata sa doktora na tumitingin kay Bobong na "Doktora ayos po lang ba ang kalagayan ng akong kapwa kamag-aral?" Nakita ng Doktora ang pag-alala ng binata sa kanyang kamag-aral at tanging na sambit niyo sa kanya "oo maayos naman siya, mukhang nahimatay lamang at na sobrahan siguro sa pagod sa katawan niya."
"Ano po ba ang inyong ibig sabihin Doktora?" Tanong ni Ambo.
"Base sa aking pagtingin sa kanyang katawan, tila maputla ang katawan nito. At ganun din ang mga mata niya ay mayroong malaking eyebug kaya, ang resulta eh. Puyat siya at sumama pa dito ang katawan na nagpahina ng kanyang immune system. At ang kawalan ng tamang pagkain at kulang ng tulog na dapat ay nasa tamang oras na pagpapahinga. Dapat hindi niya kalilimutan na kumain ng masustansiyang pagkain. Upang hindi maging sanhi ng panghihina ng katawan, tuluyang bagsak ang katawan tulad ng kay Bobong." Ani ni Doktora
"Ganun po ba! Ang akala ko eh, napuruhan siya sa aming pag-aaway kanina. Pero salamat po at makakahinga na ko ng maluwag." Ambo
Hanggang sa umalis ang binata si Ambo sa loob ng clinic nila at tanging naiwan ay ang nakalaban si Bobong na tulog pa din magpa hanggang sa ngayon.
________
Madaling kumalat sa eskwelahan ang mga nagaganap sa pagitan ng section A at B. Naging usap-usapan ng iilang mga estudyante ang mga naganap na pagkakaroon ng mainitang pagtatalo ng dalawang estudyante.