Bigla naman may pumasok na isa pang newly student, isang girl na tumayo sa harapan upang magpakilala.
"Sorry guys to interrupt of your I.Y and am not your classmate. By the way am just here to visit my papa yes am here to visit only. And to ask who am I, just zip your beautiful mouth and am not interested who really you are."
Sabay naglakad patungo kung saan nakaupo ang binata habang nakatanaw sa labas ng bintana ang estudyante ng section C.
Napansin ng iilan na ang binabanggit na papa ay ang kanilang bagong kaklase na malapit sa nakatanaw ng mga sandaling iyon sa labas. At biglang pina alis ang katabi nitong si Cutie "hey stay back. Huwag mong landiin ang future hubby ko. Kung ayaw mong ma ban sa social media." Ito ang pananakot ng dalaga sa kaklase ng binata.
Hanggang sa tuluyang tumayo ang dalaga at pumunta sa katabing upuan ng kanilang teacher habang pinapakinggan ang introduce yourself na kanyang mga estudyante.
"Sir C2 pina alis po ako ng labanos na babaitang iyon na kapag hindi ko lumayas sa upuan ko ibanned po ako sa social media, parang ang akala anak ng presidents ng pilipinas." Cutie
Hindi mapigilan ng titser na si Sir C2 na kaladkarin patungo sa labas ang babaeng umagaw ng eksena sa kanyang mga estudyante na sa mga oras na iyon. Batid ng guro na ito, na malakas ang loob nito dahil sa may mga taong kakilala ang dalaga.
"Miss excuse me, your not my student and am not allowed to interrupt of my class. Maybe you should go now. Or else I call the security guard to accompany of you."
Habang ang dalaga ay nagpupuyos sa galit ng mga oras na iyon at habang pinag-titinginan na sila ng iba pang mga estudyante sa labas ng hallway.
Pansin ng ibang naruon na mga estudyante ang magtaka sa isang taga kabilang school na makapasok sa kanilang school.
"How could you this to me, Mister C. If am not mistaken your only as a substitute teacher of this kind of garbage school." Unknown student
Hindi mapigilan ng guro na alipustahin ang kanyang pagiging guro sa mga sandaling iyon, habang bitbit nito palabas ng school ground ang estudyante na sumira sa kanyang klase.
May iilan na nakatingin at nakarinig ng pinagsasabi ng unknown girl sa kanilang paaralan, at hindi mapigilan na sumagot sa dalaga na..
"ayos ka lang, tawagin mo ang school namin na basura. Sa palagay mo 'teh ano ang tawag sa ugali na ipinapakita mo sa amin. At kung laitin mo ang teacher namin, wagas lang. Na saan ang breeding mix mo. Siguro wala ka nun dahil sa hindi iyon napag-aaralan kundi mismong natutunan sa loob ng bahay." Anang ng beki na nakasama sa group study ng section E.
Hindi pa nakuntento ang iilang estudyante na makita nilang nahihirapan ang kanilang guro na palabasin ang unknown student. Kaya sila na ang tumawag sa mga SG upang palabasin ang studyante na nagmula sa kabilang school na JHS.
"Miss sa susunod na pupunta ka dito sa school na tinawag mong basura. Huwag kang magpapakita sa akin o isa na mga estudyante na narito baka ikaw ay dumugin dito ng spray na baygon, Kasi katulad mong ipis ka na pumupunta sa tulad namin. Hindi ka welcome dito. Gets mo."
Hawak na ng SG ang unknown girl na pumasok sa school ng KHS. At nagwika ang SG sa dalaga "miss kung mahal mo pa ang iyong sarili, mas mainam na huwag ka ng bumalik pa. Sigurado ang iyong magandang mukha ay nakalathala na sa gc ng Kauratan High. Ibig sabihin niyan banned ka pumasok sa paaralan ito at maging sa social media ay sikat ka na din."
Hindi mapigilan ng dalaga ang magpuyos ng galit sa mga oras na iyon sa mga estudyante na nagmula sa Kauratan High.
Pagkapasok ng guro si Mr. C2 sa loob ng classroom ng section C na nakikita nito na abala ang lahat sa pagkalikot ng mga cellphone nito, para bang may nagaganap na mga oras na iyon. Batid niyang alamin sa mga estudyante ang nangyayari. Kaya lamang mas hinayaan na lamang nito, at nag- iwan siya ng "so class kindly prepare for tomorrow we will having a short quiz and review about family planning."
At habang ang iilan ay nagulat sa sinabi ng kanilang guro for the second day meeting ay may quiz agad. Alam nilang pag-second day is discussion. Parang naging stricto na ang kanilang guro sa araw na ito.
Lahat ay umangal sa kanilang guro na si Sir C2 na "sir quiz talaga, Di po ba dapat ay magdidiscuss. Bakit ganun sir?" Cassie Cashzine.
"No ask for question, even ask for your explanation, that's all and its final. We're having a short quiz for tomorrow."
Sabay alis ng guro sa harap ng kanyang mga estudyante at kinuha ang box na isang condom para ibalik muli ito sa kanyang locker.
-------------
Teachers Faculty Room
Naruon ang iilang mga guro ng Kauratan High para magcheck ng mga assignment at magrecord ng mga profile ng kanilang mga alaga.
Ang iba naman, habang ginagawa nila ang kanilang mga gawain. May iilan naman na nagku-kuwentuhan tungkol sa kani-kanilang hawak na estudyante.
"Kamusta Teacher A sa mga estudyante mo sa grade 7th?" Tanong ni Ms. Bebe Bibingka
Bago pa sagutin ang tanong ng kanyang co-teacher na may sumagot na isa din guro na si Teacher na nagmula sa grade 8th, "naku teacher B mukhang mga palaban ang mga estudyante niyo. Pambihira ang mga bata na hawak niyo, walang tulak kabigin na mga magaling sa pagbabak-bakan. Maari kong isali si Ambo sa boksing. Bakit? Lakas ng suntok nito napa tulog niya ang champion sa boksing natin."
Hindi malaman ng mga guro na may nangyari na ganun na komosyon. Sa pagitan ng dalawang grade 7th.
"Hindi ko alam, na may nangyari palang ganun na pag-kakaroon ng boksing sa aking estudyante at sa kalaban na nagmula sa section B. Batid kong may mga estudyante din na nag-udyok sa dalawa na magkaroon ng laban. Kahit hindi ko pa lubusan na kilala ang aking estudyante ko. Hindi ko din alam kung ano ang puno't dulo na kanilang ginawa na boksing."
"Sabagay sir A, wala naman nasasabi ang mga alaga ko. At isa pa na may hindi napag-klaruhan ang dalawa. At humantong sa pagboboksing ng dalawang bata. Hayaan niyo po itatanung ko ang bagay na iyon sa mga estudyante ko at malaman na din ang puno't dulo na kanilang pag-aaway sa pamamagitan ng pagboboksing.
Napag-desisyunan ng dalawang guro na kausapin ang kanilang mga estudyante na sangkot sa gulo na sinimulan ng dalawa.
Hanggang sa nakita nila ang Guidance counselor ng kanilang school, patungo sa kanilang room.
"Good morning mga sir at ma'am."
"good morning din Ms. Dickie"
"Ano po ba ang maipag-lilingkod namin sa inyo?" Tanong ni Teacher A.
"Ah tungkol sa isang estudyante na nagmula sa JHS." Ms. Dickie
"Anong meron po ba sa student ng kabilang school?" Sabat ni Teacher Bibingka
"Isa siya ngayon sikat sa social media, at mukhang hindi maganda ang sinasabi sa comment section. At ang mas malala pa, ang mga estudyante natin ang mga nagkokoment sa photo ng dalaga." Ms. Dickie
"Ano ba ang nangyari ms. Dickie?" Ms. B
"Sa sinabi nito na basura ang eskwelahan natin." Ms. Dickie
"Ganun ba! Ang sama naman ng sinabi niya sa paaralan natin. Bakit naman sinabi nito, at paano naka pasok ang taga JHS. Wala bang nagbabantay sa gate, may kakilala ba ang estudyante na ito?" Sunod sunod ang katanungan ni Sir A sa kausap na si Ms. Dickie.
Hanggang sa nagsalita ang adviser teacher na si Teacher C2.
"Ganito yon, sa klase pumasok ang dalagang iyon at pumasok na walang pasintabi na mag-paalam lamang. Tuloy-tuloy lamang sa loob at gumawa ng eksena sa loob ng klase ko. At isa pa umagaw sa pag Introduce Yourself sa klase. Kaya lang iba ang ginawa nito na naging dahilan na paalisin niya sa upuan ang aking estudyante sa mismong upuan nito. At pagkatapos tumayo ako para palabasin siya patungo sa labas. At dun nagsalita ang dalaga na narinig ng iilang mga estudyante sa mga oras na iyon. Alam niyo naman ang mga estudyante natin hindi sila gagawa ng hakbang kung wala naman nakikitang mali. Kaya sa tingin ng mga estudyante dito na turuan ng leksyon ang nasabing estudyante sa kabilang school." C2
Alam ng lahat na gawain ng iilang estudyante na nasa Kauratan high masasabing walang alam sa buhay. Kundi kalokohan lamang, Ngunit nagkakamali ang iilan sa pagkaka kilala na may mga estudyante na aware sila sa mga nangyayari sa kanilang paaralan.
Ganun pa man, hindi sumasang-ayon ang iilan sa naging desisyon ng iilang estudyante sa Kauratan high na batikusin sa pamamagitan ng mai-lathala ang larawan nito sa kapwa nila na estudyante. Iba-iba ang naging opinion ng mga estudyante na taga KHS.
Kaya napag-desisyunan ng namamahala sa Kauratan High na makipag-meeting sa kanilang punong-guro at mag-padesiyunan na magkaroon ng maayos na pakiki-pag-usap sa kabilang school at maipaliwanag ng maayos ang nagawa ng mga estudyante ng KHS maging sa estudyante na nagwika na Basurahan ang eskwelahan ng KHS.
Hanggang sa mismong ang dalawang punong-guro ang nag-uusap ng mga oras na iyon.
----------
Salamat po sa mga nagbabasa ng kuwento na ito, nawa'y maisama niyo sa library ang story.
Babala: sa mga estudyante at under aged pa lamang, huwag kayong tumulad sa mga nababasa niyo. Bagkus palagian niyong isa isip ang bawat sinasabi na pangaral ng mga magulang niyo.
Hanggat nasa poder kayo ng mga magulang niyo. Sumunod at walang mawawala sa inyo. Tiyak iyon.
Aral muna bago landi.....
@gnsytn yeah!!!!
Time check 12:40 pm