[Kit's] Hindi ko namalayan na nakatulog din ako habang nagbabantay sa kambal. Nagising lang ako nang narinig ko ang pagbubulungan nilang dalawa. “Daddy is sleeping, Kali. Don't wake him up!” mariing bulong ni Alas para sawayin ang kakambal niya. I didn't open my eyes and decided to let them think that I am still sleeping. “But I want to ask him something! I will just wake him up and ask this and then I will let him sleep again,” narinig kong sagot ni Kali at saka sinubukan na hawakan ang braso ko pero sinaway siya ni Alas. “No! Stop!” mariing saway ni Alas sa kanya. “He is my Daddy!” bulalas ni Kali at saka naramdaman kong tinabihan niya ako ng higa at yumakap sa akin. “He is my Daddy too!” sambit ni Alas na mukhang ayaw magpatalo at saka pumwesto sa kabilang gilid ko at yumakap din

