[Athena’s] Dahil hiyang-hiya ako sa mga ginawa ko noong lasing ako ay halos iwasan ko tuloy ang mga tingin ni Kit. Mabuti na lang at habang palapit nang palapit ang kasal naming dalawa ay mas madalas siyang nakaharap sa laptop at nagtatrabaho. Kung wala siguro siyang ginagawa ay baka puro pang-aasar lang ang makuha ko! “I’m working on it, Roque. Baka pagkatapos ng kasal kayang-kaya na nating isabay…” Kasalukuyang may kausap si Kit sa phone at halatang tungkol sa trabaho pero ang kambal ay may kung anong inuungot sa kanya. Kahit na ayaw ko sanang lumapit sa kanya ay napilitan ako. “Alas…” marahang tawag ko sa kanya. Nakita kong nilingon ako ni Kit pero sinadya kong ‘wag salubungin ang tingin niya at binaling ang buong pansin kay Alas. “Later, okay? Come here. I’ll give you what you want

