[Athena’s] Nang umuwi si Hector galing sa Cagayan de Oro para mag-attend sa kasal ng mga pinsan ko ay mas marami pa siyang kwento at sumbong sa akin tungkol sa kakaibang pakikitungo ni Rita sa kanya dahil daw sa akin. Pilit na binabalewala ko naman ang mga iyon dahil kung iisipin ko pa pati ang mga bagay na sinasabi niya ay magiging dahilan pa iyon ng stress ko. Hangga’t maaari ay umiiwas ako sa kahit na anong bagay na nakakapagpa-stress sa akin. Magdadalawang buwan na ang tiyan ko at mas nagiging matindi ang pagbabago ng emotions. Mabuti na lang at hindi ako maselan sa mga pagkain at sa kahit na ano. Siguro ay naiintindihan rin ng baby ang sitwasyon ko kaya hindi niya ako pinapahirapan pagdating sa mga bagay na hindi ko naman makakaya na mag-isa. “I just can’t get that girl out of my m

