[Athena’s] Habang kumakain kami ng dinner ay tingin nang tingin sa akin si Kit pero wala akong ginawa kundi ang i-focus ang buong pansin sa kambal. Hanggang sa natapos na kaming kumain at sumusubok siyang makipag-usap pero umiiwas ako. Kung gusto niyang pag-usapan ang nangyari sa amin ay kabaligtaran naman ang gusto ko. Ayaw kong pag-usapan namin ang tungkol doon dahil kung may masasaktan man ay ako iyon. Ngayon pa lang ay inaamin ko na sa sarili ko na mahal ko siya. Ayaw ko na pati sa kanya ay maamin ko ang bagay na ‘yon at bigyan ko pa siya ng alalahanin. He is committed to someone else and he has to focus on that. Besides, we are only living together for the twins. Nagprisinta si Kit na maghugas ng mga pinggan kaya hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya. Hinayaan ko siya para naman ka

